#CharltonAWIJ
Kabanata 3
Journey
"May reservation ako sa hotel na 'to!" singhal ko sa staff ng hotel kung saan ako nagpa-reserve. I already reserved a unit pero wala na raw ibang available. Sayang lang ang pagpunta ko rito kung wala rin naman akong matutuluyan.
Kumunot ang noo no'ng staff na nasa lounge. Mga Japanese nga pala ito kaya 'di nila ako maiintindihan. Hindi ko mapigilan na magtagalog sa inis. Noong tinanong ko kasi iyong pangalan at reservation ko ay wala raw. Hindi man bayad ang reservation na 'yon ay dapat 'di nila basta-basta inaalis.
"What are you saying?" tanong sa'kin no'ng Japanese na staff na tila hirap na hirap sa pag-e-english.
"Don't worry about her. She said, everything's fine." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nandito pa pala siya? Nagpasama lang naman ako papunta ng Khaosan dahil nga naligaw ako kanina tapos kasama ko pa rin pala siya. I thought umalis na siya kanina pa. Bakit nandito pa siya sa likod ko? Itong masungit na lalaking 'to.
Ngumiti iyong staff at tumango sa amin ni Seve. Hinila ako palayo ni Seve at dinala sa may tapat ng elevator ng hotel.
"Hoy, bakit mo sinabi 'yon? Saan ako tutuloy rito sa Japan? Nagpa-reserve nga para okay na ang lahat tapos wala pala iyong reservation ko. Imbes na maging maayos iyong bakasyon ko rito, mai-stress pa ako." Hinawakan ko ang noo ko na mainit ang temperatura dahil sa lamig ng paligid.
Ginalaw ni Seve iyong ulo niya pakaliwa at pakanan. Umangat iyong kilay niya sa kanan. "Tutulungan ka na nga tapos ayaw mo pa?"
Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya. Kahit kailan talaga ay napakasungit nito. Para siyang walking snowball tapos puwede na niyang maging kakambal si Ivan kasi walking snowflake naman 'tong si Ivan. Required ba sa buhay ko na maging masungit iyong mga lalaking makikilala ko?
"Ano'ng tulong naman?"
Umiling siya at nagbukas ang elevator. Hinila niya ako papasok, wala na rin akong nagawa dahil nagsara kaagad ang elevator na iyon. Tumigil ito sa third floor ng hotel at dinala niya ako sa tapat ng isang unit do'n.
"Huwag mong sabihin na gagawin mo akong japayuki rito sa Japan habang nagbabakasyon ka? O baka naman mga businessman at woman ang mga magulang mo tapos wasted ka rito sa Japan kaya gusto mong makipag-ano sa akin. Sorry, I'm virgin."
He chuckled. "Virgin pero madumi ang isip?" He bit his lower lip. "Kung ayaw mo mag-stay rito sa unit ko ay ayos lang. Humanap ka na ng matutulugan mo ngayong gabi rito sa Tokyo, Magpakaligaw ka na naman sa labas."
My shoulders sagged. Napakasungit talaga nitong walking snowball na 'to.
"Eh, kasi tayong dalawa sa unit mo? Magkatabi tayo? I mean lalaki ka tapos babae ako. Strangers pa tayo sa isa't isa kaya nakapagtataka lang. Pasensya na marumi isip. At least virgin."
He chuckled again. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo iyon. "Sinabi ko bang magkatabi tayo? There are two beds inside. May kurtina pa sa pagitan kaya ano'ng iniisip mo?"
Hindi pa kasi ako nakakapasok ng hotel dito. Iyong pina-reserve ko naman ay parang capsule style lang para makatipid dahil solo lang naman ako. Pero, itong walking snowball na 'to ay dalawa raw ang kama sa loob ng unit. Eh, 'di siya na mayaman.
"Sige na nga." Tumalikod siya at binuksan ang pinto ng unit. Bumungad sa'king iyong mini kitchen, mini round table, at iyong sinasabi nga niyang dalawang kama na may parang kurtina sa gitna. Ang laki naman ng unit niya para sa sarili lang niya. Sa pagitan noong dalawang kama ay may daan papunta sa veranda ng unit. Wow may pa-veranda pa. Rich kid nga siguro 'to.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...