#CharltonAWIJ
Kabanata 18
VisitorPumasa naman ako no’ng second sem ng first year at hindi ako nakakuha ng tres na grade. Nakailang iyak din ako sa mga Accounting problems pero kinakaya ko naman. Wala rin namang bumagsak sa mga ka-blockmates ko at hinirang pang mga nasa top ten ang mga ‘yon. Kumbaga sa pamilya, ako ‘yung black sheep ng group of friends nila.
“Umiiyak ka na naman, Riya? Break na naman ba kayo ng jowa mong canteener?” Hinampas ko si Zandro dahil na naman sa sinabi niya. Lahat na yata ng kung sino ay naging boyfriend ko dahil sa mga pinagsasasabi niya.
“Hindi kasi.” Pinunasan ko ang luha ko. “Hindi ko lang masagutan itong last problem. Um-attend naman ako ng klase pero bakit bobong-bobo ako sa Accounting?”
“Okay lang ‘yan, Rhianna. Turuan na ulit kita.” Tumabi ulit sa’kin si Catherine at ipinaliwanag kung bakit hindi balance ang sheet ko at iyong kulang ko sa ibang computations.
“Sorry talaga, guys kung nagiging dependent ako sa inyo sa mga Accounting problems.”
Tinapik-tapik ni Bea ang likod ko. “Ayos lang ‘yon basta sumama ka sa amin sa SM.”
“Hindi ako makakasama. May nauna na kasi sa aking nagsabi na lumabas ngayon.”
Lumungkot ang mga mukha nila.
“Sino?” tanong ni Hardy.
“Si Danna ta’s ‘yong ka-blockmate niya.”
“Huwag ka na sumama. Gusto mo ako pa mag-chat sa kanya. Joke.”
“Sige, next time na lang. Huwag ka na kasi mag-boyfriend para ‘di ka iiyak-iyak, ah,” pabirong sambit ni Zandro.
Umalis kami sa library ta’s sa meeting place naming tatlo ako nagtungo. Nando’n na sina Danna at Seven na may pinag-uusapan. Mukhang inis na inis si Seven, ah.
“Ayan ka na pala Riya,” ani Seven. “Alam mo ba ‘yong topic namin ay ‘yong nakakaasar kong kakambal na inaway na naman ako dahil lang sa na-bash ko ‘yung favorite band niya. I mean wala namang masama on him being a fan, but its too much to hate your sister dahil lang do’n.” Seven rolled her eyes.
“Laging war ‘yan sina Seven at kakambal niya, eh.”
“Saan ba tayo ngayon?” bigla kong tanong.
“Samgyup! I remember the last time I ate in a Samgyupsal restaurant. Napakatagal na!”
Kinapa ko ang bulsa ko. Masiyadong mabigat sa bulsa ‘yong Samgyupsal. Binibigyan naman ako ni Daddy ng pang-gastos para kay Sebastian pero sobra pa rin kung gagastos ako ng gano’ng kalaki. Tinitipid ko nga ang sarili ko na ‘wag mag-coffeeshop at mag-library na lamang.
“Hindi ba mas maganda kung sa coffeeshop na lang tayo?” tanong ko.
“Masaya mag-Samgyup, Riya!”
Wala na akong nagawa dahil panay ang pamimilit nina Danna at Seven. I don’t want to disapoint them at ayokong malaman nila na may anak na ako. Ayokong mag-iba ang pagtingin nila sa’kin.
Parang papel na sinigaan lang ang pera ko matapos namin makapagbayad sa restaurant. Sana ibinili ko na lang ng bagong pares ng damit ‘yung anak ko sa five-hundred.
I didn’t expect na magtatagal kami sa restaurant. May pinag-uusapan kaming tatlo pero nabo-bother ako sa oras. Gabi na kasi at matagal pa ang biyahe pabalik ng Santa Cruz. Sina Ivan at Sebastian lang ang nasa bahay. Wala kasing pasok sina Ivan ta’s busy ang mga magulang ko kaya hindi nila maalagaan si Sebastian.
“Danna, gabi na kailangan na nating umuwi!” natataranta kong sabi. Si Danna naman ay parang nag-e-enjoy pa sa topic nilang dalawa ni Seven.
“Ang aga pa, Riya. Mamaya na!”
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...