#CharltonAWIJ
Kabanata 12
One Cause, Three ResultsNanginginig ang mga paa ko habang naglalakad papunta sa bahay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bulsa kung saan nakalagay ang pregnancy test na binili ko kanina sa botika. Pinauwi na ako ng doctor ng clinic at kung hindi pa raw ayos ang pakiramdam mamayang gabi ay huwag na munang pumasok bukas.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay nang lumabas ng ‘yong isa naming kapitbahay. Isinara ko ang pinto at nagtungo sa banyo upang gawin ang instructions na nakalagay sa pregnancy test.
Ilang minuto akong nakipagtitigan sa pregnancy test bago gawin ang nakalagay sa instructions. Nakailang dasal din ako na sana hindi mag-positive. Isang beses lang naman naming ginawa ni Seve ang bagay na ‘yon at hindi naman basta-basta nabubuntis ang lahi namin.
Sana.
Iyan Ang salitang kanina ko pa pinapaulit-ulit sa utak ko. Sana hindi positive. Sana hindi na lang ako basta nagtiwala kay Seve. Sana hindi ako naging mapusok kay Seve. Sana inisip ko muna ‘yung mga pangarap ko bago ko hayaan siya na gawin ang bagay na ‘yon. Paano na lang ako kung mag-positive itong test ngayon. Paano na lang ‘yung pangarap kong dalhin sina Lola Teda at Ivan sa Japan kung hindi ako makakapag-aral dahil sa buntis ako?
Ipinatong ko sa lababo ‘yung pregnancy test. Kumuha muna akong tubig na maiinom at halos maubos ko ang isang pitsel ng tubig. Napahawak ako sa dibdib ko, parang may aso’t pusa na nag-aaway sa loob no’n. Kailangan ko munang masiguro na hindi ako buntis bago ako makahinga nang maluwag.
Matapos uminom ng tubig ay binalikan ko ang PT na nakapatong sa lababo. Iniwas ko ang tingin ko mula rito at umupo ako sa may salas. Nakapikit ako habang nagdadasal na sana isang linya lang ang lumabas.
Sana isang linya lang talaga.
Pinagpapawisan ako nang malapot kahit na nakatutok na sa akin ang electric fan. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko na nakapatong sa PT upang makita ang resulta nito.
Dalawang linya.
Hindi ako nakahinga sa loob ng ilang segundo. Tama ba ang resulta nito. Tama ba ang lahat ng nangyayari? Baka naman panaginip lang ‘tong lahat? Sana nga panaginip lang ‘to dahil hindi ako makapaniwalang buntis ako.
Hirap na nga kami sa bahay ni Lola Teda, ta’s gumawa pa ako ng sarili kong kapalpakan. I should’ve listen to her advices. Parang binalewala ko na lang ang lahat ng payo sa akin ng lola ko bago pa man magtungo ng Japan. Parang binalewala ko ang taong nag-alaga sa akin simula bata pa ako.
Pinahid ko ang luhang nahulog mula sa aking mga mata. Nandito na ‘to at kasalanan ko ang lahat. Hindi ko puwedeng basta-basta ilaglag ‘yong baby. Ako ang may kasalanan at hindi siya.
Pero papaano siya? Papaano ko siya bubuhayin kung maski grade twelve ay hindi pa ako tapos. Paano ko ipaparamdam sa kanya na may ama siya kahit hindi ko alam kung saan ko hahagilapin sa mundo si Seve? Hindi ko man lang alam kung sino ‘yong kapatid niya. Hindi ko man lang alam ‘yong apelyido niya o kung saan siya nakatira. Seve lang ang alam ko sa kanya. Hindi pa nga ako sigurado kung ‘yon ‘yung tunay niyang pangalan.
Hindi rin ako sigurado kung totoo lahat ng ipinakita niya sa akin noong nasa Japan kami. Paano kung nagpapanggap lang pala siyang masungit no’n para mahulog ako sa kanya? Paano kung matagal na pala niyang balak na gawin ang bagay na ‘yon sa akin? Kahit na anong poot ko sa kanya ngayon ay hindi ko siya masisi sa katangahan ko. Ako ‘yong mas matanda sa aming dalawa pero ako ‘yong impulsive at minadali ang lahat.
“Riya, nakauwi ka na? Akala ko alas-tres pa ang huli mong klase kapag huwebes?” Nanlaki ang mata ko at napatingin sa taong nasa pinto.
Si Lola Teda.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...