#CharltonAWIJ
Kabanata 25
Meet“Grabe ‘yung test naubos brain cells ko,” sabi ni Zandro pagkalabas namin ng examination room. Summativve test pa lang ‘yon pero ubos na ‘agad ang enerhiya namin.
“Oo nga, minor subject lang naman pero ang lakas ng trip mapa-test nang mahirap,” dugtong ni Bea sa kaniya.
Napatingin kami sa apat na introverts na walang reaksyon sa test. Parang natuptop ang dila nila kay ‘di makapagsalita.
“Okay lang naman,” sabi ni Hardy.
“Okay ba ‘yon? Ang hirap kaya!” sabi ko sa kaniya. Gumilid ako palapit kina Zandro kaya nadanggi ko ang balikat niya.
“Harot mo, doon ka na sa Engineer.”
Gusto ko siyang murahin pero pinigilan ko ang sarili ko. At least hindi na sa history teacher ng kung anong university niya ako inaasar, pero sa taong ‘di ko naman gustong i-ship ako.
“Ikaw ba, Zandro? Wala ka bang kaharutan?”
Mula sa nakangiting mukha, naging poker face iyon. Bahagyang dumistansya rin sa kaniya si Bea.
“May hindi pa kasi sumasagot d’yan. Yes or yes lang naman.” He chuckled.
“Pre, inom mamaya sa condo. Game ka ba?” Napatingin ako sa humarang na dalawang lalaki sa amin. Sa pagkakatanda ko ay kaibigan sila ni Zandro galing ibang department.
“Pass, bagsak yata ako sa test kanina.”
“Weh? Bebe time lang ‘yan,” asar noong isang lalaki bukod sa unang nagyaya kanina.
“Mga gago kayo.”
“Sama ka muna sa amin. Hahanap ng chicks.”
“Game, sama kahit meron na ako.”
Umalis si Zandro kasama ‘yung mga kaibigan niya. Sa ganoong kabilis lang na panahon ay nagawa niya kaming iwan. Sa sumunod na subject na namin siya nakita, pawis na pawis at may dala-dalang bottled water. Sinubukan niyang kausapin si Bea kahit pa hindi ito umiimik kanina pa.
Matapos ang klase pumunta ako sa Engineering department para roon na hintayin si Seve. May kung anong bumara sa lalamunan ko dahil ‘di pa ako handa para mamaya. Sasabihin na namin ang lahat sa mga magulang niya.
Hindi na ako tumanggi pa dahil nag-usap na naman kami na matapos ang birthday ng anak namin ay dapat na namin itong sabihin sa parents niya.
Hindi ako natatakot sa masamang impression nila sa akin dahil hindi naman ako ang magiging parte ng pamilya nila. Gusto ko lang na malaman nila na may apo sila at sana suportahan nila ang anak ko kahit pa hindi kami ‘yong magiging pamilya ni Seve.
‘Di makabasag pinggan ang buong building nang umakyat ako sa floor na t-in-ext niya kanina sa akin. May bakanteng monoblock chair malapit sa room kaya naupo muna ako.
Nakita ko siyang pasulyap-sulyap sa akin habang nakatingin sa prof nila. Kaunti na lang ay isusubo na niya ‘yong graphing pencil na hawak niya.
Ilan pang minuto ang lumipas ay pinalabas na sila ng professor. Dali-daling pumunta sa akin si Ivan.
“Saan kayo pupunta ni Seve?”
“Sa bahay nila.”
Tumango-tango siya. “Kaya mo ‘yan, Ate.” Nginitian niya ako at umalis na. Hindi ba niya ako sasamahan kina Seve? May pupuntahan pa yata syang date, ah.
“You’re distracting me earlier.”
Para bang binato ng isang malaking bloke ang yelo ang spinal cord ko dahil sa boses ni Seve. Hanggang ngayon ba ay may pagka-snowball pa rin siya.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...