Kabanata 19

10 1 8
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 19
Run

History repeats itself.

Parang movie na ni-replay ang nangyari. Noon, nang malaman ni Talia na buntis ako ay hindi na kami muli pang nagkita. I lost my one and only friend. Ngayon, si Danna ang nakakita sa akin na kalong-kalong ang sarili kong anak.

Kumakabog ang puso ko nang makita siya. Hindi ko in-expect na pupunta siya rito sa amin na may dala pang mga pagkain at prutas. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo. 

Ang katotohanan na kinatatakutan kong ipaalam sa kung sino. Nagka-trauma na yata ako simula no’ng iwanan ako ng nag-iisa kong kaibigan. Paano kung malaman din nila? Paano kung iwanan din nila ako?

“Danna, maupo ka muna. Hindi mo naman sinabi na bibisita ka sana nakapaglinis muna ako ng bahay.” 

Kalong-kalong ko si Sebastian habang naglalakad si Danna papaok ng bahay. Tuwid ang tingin nito sa batang kalong-kalong ko. Si Ivan lang ang sinabi kong kapatid sa kanya kaya paniguradong magtataka siya.

“May gusto ka bang kainin?”

Umiling siya at nag-gesture na wala. “Busog pa naman ako. Dinalhan nga kita ng pagkain dahil sabi mo masama ang pakiramdam ko kaya ‘di ka nakapasok.”

Huminga ako nang malalim. Nakaka-guilty dahil nagsinungaling ako sa kanya at gumastos pa siya para madalhan ako ng mga pagkain.

“Salamat nga pala sa mga dala mo, ah.”

Awkward silence ang namagitan sa aming dalawa. Kuryoso ang kanyang tingin sa anak ko at alam kong may gusto siyang itanong kaso nga lang ay nahihiya siya.

“Welcome, pero Riya may gusto ka bang sabihin sa’kin?”

Nagsisimula na ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya dahil ayokong magsinungalin sa kanya bilang kaibigan. Hindi ko rin itatanggi si Sebastian kahit kanino.

Tumungo ako. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Ang kilala niyang kaibigan niya ay may sikretong itinatago.

“Si Sebastian, magda-dalawang taon, anak ko.”

Pinigilan niya ang letrang-o na namumuo sa kanyang bibig. May involuntary reaction siya ngunit pinigilan niya iyon. She’s selfless and sensitive. I admire her because of that.

“Two years ago...” Halos pumiyok ako nang sabihin ang unang tatlong salitang iyon. “A winter in Japan, I met a guy...”

Itinuloy ko ang kuwento ko sa kung paano kami nagkakilala ni Seve. Kung ano ang nangyari sa amin sa Japan. At kung ano ang nangyari pagkatapos no’n. Hindi ko sinabi ang pangalan o nickname ni Seve. He deserves his privacy kahit pa gano’n ang ginawa niya sa’kin.

Tumayo si Danna mula sa pagkakaupo at niyakap ako. Hinagod niya ang likod ko habang si Sebastian ay patay-malisyang namamangka ang mga mata sa aming dalawa ni Danna.

“Nang mamatay si Lola ay nawalan ng mag-aalaga sa anak ko. Busy rin ang daddy ko kaya hindi nila nasusundo si Sebastian kaya um-absent ako ngayon para bantayan siya. Nag-Accountancy rin ako dahil bukod sa’yo ay si Lola ‘yong palaging nagpapaalala sa’kin na piliin ko ‘yong makapagpapasaya sa akin.”

Hindi ko na napigilan na ilabas ang luhang kanina ko pa iniipon. At least nagpakatotoo ako sa kanya kahit pa natatakot akong gawin ‘yon dahil sa trauma na idinulot ni Talia. I’m afraid that my friends would left my like what she did to me two years ago.

“Riya, matapang ka at nakaya mo ang lahat. Hindi ka dapat basta-basta iniiwan na lang.”

May kung anong kiliting naramdaman ang puso ko kaya napangiti ako sa sinabi niya. Sebastian deserves a father, but he can’t have it.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon