Kabanata 15

14 2 7
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 15
College

Nag-admit kami ni Ivan sa Charlton University dahil hindi na available ‘yong mga schools na pinangarap namin noon. Hindi na kasi kami nakapag-entrance exam dahil din sa mga nangyari sa buhay. Hindi ko in-expect na makakapag-college pa ‘ko. 

Danna took Psychology samantalang si Ivan naman ay Civil Engineering. Ako naman ay Accountancy. Hindi ako sure sa kursong pinili pero alam kong mas masaya ako rito kaysa mag-take ng Civil Engineering.

“Hi, I’m Rhianna Catriona Talavera from Santa Cruz, Laguna.” It was my introduction on all of my classes. Dalawang araw na puro introduction lang ang ginawa namin. Sinabi rin ng teachers namin ‘yung mga maaring final outputs at mga ile-lesson sa bawat subject. Binigyan din nila kami ng physical copy ng course guide at syllabus.

Isinulat ko muna sa bullet journal ko ang sched namin sa araw dahil baka next week pa raw kami mabigyan ng physical copy ng schedule. Nag-sketch ako gamit ang pentel orenz na pencil. Kay Ivan ‘to pero hiniram ko muna.

Hindi naman mahirap ang first week ko bilang accountancy student. More on introduction ‘yung lessons. Nagte-take ako ng notes sa mga lessons na itinuro kapag vacant sa library. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ka-close. 

“Wala ka pang nagiging ka-close?” tanong ni Danna.

Umiling ako at inilibot ang mata sa kabuuan ng coffeeshop na may chandelier pa. Nakaupo kami sa magkaiba naming upuan na pinagigitnan ang round table na pinaglalagyan ng order namin. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa aircon na naglalabas ng nagyeyelong hangin. Katatapos lang ng summer ta’s ganito pa rin kalakas ‘yung aircon nila.

“Ewan ko. Ang tatahimik nila kaya hindi ko nakakausap.” I took a sip of my hot chocolate. “Ikaw ba?”

“Wala pa naman pero medyo ka-close ko ‘yung isa kong kaklaseng vlogger. Lagi na kaming nagtatabi sa mga klase.”

“How’s Psychology ba?”

Uminom muli ako ng inumin ko. Sa tuwing umiinom ako ay may kakaibang texture akong nararamdaman. Para bang may maligasgas na daan. The hot chocolate is not that sweet na prefer ko kaysa sa mga sobrang tamis na inumin.

“Good. Ang kaso lang ay hati ‘yung class namin sa mga ginawang pre-law at ginawang pre-med ang Psychology. Mayayaman ‘yung mga nasa university na ‘to.”

I gulped air.

“Mayaman ka rin naman.”

Nag-poker face ang mukha niya parang nakakain ng hindi masarap.

“May kaya lang naman. Hindi naman katulad nila na anak ng mga businessmen at women.  Iyong iba naka-kotse pa papunta rito. Kung mayaman kami eh, ‘di sana nagkokotse na ako papunta ng university.”

Tinapos namin ang inumin namin nang dumating na si Ivan kaya nilisan na namin ang coffeeshop at nagpunta ng terminal ng bus. Puwedeng dito kami mag-intay ng jeep o bus dahil tabing kalsada naman ‘to pero mas mapapabilis kami kung pupunta kami ng terminal na kaya namang lakarin.

Inakbayan ko si Ivan kahit ma medyo mas matangkad siya sa akin. “Kumusta Engineering?” Ginulo-gulo ko ang buhok niya habang nag-iintay ng sagot. Nasa likuran namin si Danna na dala-dala ang kanyang bag.

“Good.”

“Kaya mo naman ‘yon ang talino mo kaya, Ivan!”

He shrugged his shoulders. “Hindi naman.”

Sumakay kami sa bus na papaalis na nang makarating kami sa terminal. Magkatabi kami ni Danna at sa upuan naman sa likod umupo si Ivan. Kung mayaman lang kami baka nag-kotse na kami nito ni Ivan.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon