Kabanata 6

14 2 9
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 6
Takoyaki

Matapos namin gumala sa buong Akihabara ay dinala muna namin ang mga gamit namin sa hotel. Sabi ni Seve, magiging hassle raw kung magdadala pa kami ng gamit sa Ginza.

Ginza ang sunod naming pupuntahan at magdi-dinner kami ro’n. Isa sa mga pangarap ko iyon sa Japan, ang makakain sa Ginza. Puro pedestrians lang kasi ang mayroon sa Ginza district. Masaya maglakad lalo na kung gabi. Kung ‘di talaga ako nanonood ng vlogs tungkol sa Japan ay hindi magiging masaya ang galaan namin na ‘to.

“Magdi-dinner na ba tayo ‘agad?”

Tumingin siya sa relo niya at sa papalubog na araw. “Ang aga pa, kakain ka na naman?” Mochi lang naman iyong huli kong kinain kanina kasi gutom na gutom ako sa Akihabara. Kahit nag-lunch kami ay nagutom pa rin ako.

“Sige, mamaya na.” Sabi kasi ni Lola Teda ay hinid porke gutom tayo ay basta-basta na lang tayong kakain lalo na kung ‘di naman gutom iyong kasama natin sa galaan.

“I’ll go the cr. Wait for me here.” Nginitian ko si Seve. Tinalikuran niya ako at naghanap na ng cr. Inilabas ko iyong cellphone ko npara tingnan kung may nag-chat sa akin sa messenger. Wala naman akong nakaka-chat kundi si Talia at Ivan lang. Wala rin namang Facebook si Lola Teda at nasa spam messages naman ang ina ko.

Bigla ko tuloy na-miss sina Ivan. Hindi ko pa sila nakakausap simula kahapon. Nakaka-chat ko si Ivan pero madalang kasi busy ‘yon sa pagddo-drawing. Pinindot ko iyong video call icon at nag-ring ang kabilang linya.

Sinagot ‘agad iyon ni Ivan at noo niya ang unang bumungad sa’kin.

“Ate, buti naman nagparamdam ka na,” walang emosyong saad ni Ivan. Kakambal ba ‘to ni Seve? Pareho kasi silang parang snowball.

“Ang hirap kasi tumawag pati ang saya gumala kanina.” Nginitian ko siya. “Si lola?” Tiningnan ko iyong likod niya. Nasa kusina siya pero wala roon si lola.

“Maglalako raw bago siya magluto ng hapunan.”

Sayang naman, gusto kong makausap si lola.

“Ivan, ang ate mo na ba ‘yan?” Nanlaki ang tainga ko nang marinig ko ang boses ni Lola. Kararating niya lang siguro galing sa paglalako.

“Opo, ‘la.” Inabot ni Ivan ang cellphone kay lola na nakapagpangiti sa akin. Hindi siya maalam gumamit ng gadgets kaya naman ang seryoso ng mukha niya habang hawak-hawak ang cellphone ni Ivan. I took a screenshot at ni-send iyon sa convo namin ni Ivan. Ang cute ng picture ni lola ro’n.

“Lola, musta naman kayo ni Ivan d’yan?” Simpleng ngumiti si Lola. Hindi naman gano’n katanda si Lola Teda. Wala pa siyang seventy at nakakapaglako pa ng mga tinda niya.

“Ayos naman, Riya. Ikaw ba sinunod mo iyong mga bilin ko sa’yo? Hindi ka naman siguro nagpopokpok d’yan ‘no?” Na-miss ko iyong armalite ni lola. Iyong tipong sunod-sunod ang bilin at utos niya sa’kin. Kung si Ivan ay walking snowflake, si lola naman ay kumukulong mantika.

“Siyempre, ako pa ‘la. Alam mo ba ‘la may nakilala ako rito kasi naligaw ako pagkababa ko.”

“Ikaw talaga!”

“Tapos tinulungan niya akong makarating sa hotel. Pinatuloy niya pa ako sa unit niya na walang bayad. Masungit man siya, mabuti naman ang mga ginagawa niya. Lalaki iyon ‘la pero daig pa ang tandang kung tumilaok.”

“Baka naman nobyo mo na ‘yan, Riya?”

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi ni lola.Nagka-boyfriend man ako noong high school ay ‘di naman seyosohan iyon. Maski nga yakap o halik ay ‘di ko ibinigay sa dalawa kong ex noong high school.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon