#CharltonAWIJ
Kabanata 1
Goes To Japan“Rhianna Catriona! Gumising ka na, aba! Tanghaling tapat na tapos tulog ka pa rin! Ano ka ba namang bata ka!” Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Lola Teda. Tuwing umaga, boses na niya ang bumubungad sa sakin, sanay na sanay na ako.
Tinakpan ko ang aking mata nang masinagan iyon ng araw. Ipinatong ko ang unan sa aking likuran. Kinusot ko ang mata ako nag-unat ng katawan. Ang aga-aga, eh. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Wala pa ngang alas-siyete!“Lola, ang aga-aga pa, eh. Makagising ka naman.” Mula pagkakaupo ay ay nahiga ako at niyakap ang unan na katabi ko. Akala ko naman ay alas-onse o alas-dose na.
“Hindi ba at pupunta ka pa sa pangarap mong bansa, sa Japan? Bakit hindi ka pa bumangon d’yan. Labingwalong taong gulang ka na tapos late ka pa rin na gumising! Mag-co-college ka na ‘di ba?” Dahil sa boses ni Lola Teda, gumising na ako mula sa pagkakahiga. Niligpit ko ang hinigaan ko.
Pumunta ako sa cr para maghilamos at mag-toothbrush. Kinuha ko ang walis na nakasandal sa pader katabi ng pintuan ng kuwarto ko at winalis ang loob ng kuwarto ko. Naabutan ko roon si lola na nagbabasa ng dyaryo.
“Bakit hindi ka pa maligo? Maiwan-iwanan ka ng eroplano!”
Tumungo ako at nagsimulang magwalis.“Mamayang alas-quatro pa iyong flight ko, ‘la. Mas excited ka pa sa excited.”
Kinutusan ako ni Lola Teda. “Ang pilosopo mo talaga, Riya. Iba na ang maagap! Mamaya ay ma-traffic ka pa papuntang Maynila.” Matapos ko walisan ang loob ng kuwarto ko ay inilagay ko sa dustpan ang mga alikabok at kalat. Pinatugtog ko sa cellphone ko iyong mga OST ng Kimi No Nawa habang nagpupunas ng tabi-tabi.
Kapag laking lola ka, daig mo pa ang mga morning person sa sobrang aga kang gigisingin. Pinaka-late na ang alas-siyete, pinakamaaga ang alas-quatro.
“Bakit naman pinatatalbog-talbog mo ang ulo mo habang nakikinig ka sa kantang hindi maintindihan?” Natigil ako sa paghe-head bang nang sumilay si lola sa pintuan. Pasimple akong ngumiti, ang sungit talaga.
“Wala ‘yon,” natatawa kong sabi.
“Tara na at kumain na tayo ng agahan,” walang ganang sabi niya.
Inilagay ko ang walis at dustpan sa pinagkuhanan ko at nagpunta sa hapagkainan para mag-agahan. Hindi kasi nakain si lola kapag hindi kami kasabay noong kapatid ko. Nagkakape lang iyon sa madaling araw, minsan may kasamang pandesal.
“Itlog na naman at tuyo?” Um-acting ako na nasusuka. Tiningnan ako ni lola nang masama.
“Kumain kayo ng kahit anong ulam. Kahit gulay at tuyo dapat maalam kayong kumain.”
Umupo ako sa katapat ni lola. “Si Ivan, nasaan? Tulog pa ba?”
Tumango si lola. “Huwag mo nang gisingin. Makakasama ko naman iyon hanggang bagong taon. Eh, ikaw, sampung araw kang magja-Japan. Maski pasko ay wala ka rito, Rhianna!”
“Pangarap ko po kasi iyong Japan, eh ngayon lang po nakumpleto iyong ipon ko pati ngayon lang po ako binigyan ni Daddy ng pera.”
Sumubo ako ng kanin at ulam.
“Mabuti naman at binigyan ka ng ama mo. Dapat lagi kang magsabi sa kaniya kaysa sa pangalawang pamilya niya napupunta iyong pera. Hindi ka na nga binibigyan buwan-buwan. Magkano ang ibinigay sa iyo?”
“Fifty-thousand tapos siya na rin po ang sumagot ng ticket papunta at pabalik.”
“Aba ang laki pala ng bigay sa’yo. Pautangin mo naman ako.”
Napangiti ako. Sa tuwing nalalaman niyang may pera ako ay iyon ang palagi niyang sinasabi.
“Iiwanan kita ng pera, ‘la. Alagaan mo si Ivan, ha!”
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...