Kabanata 29

12 3 3
                                    

#CharltonAWIJ

Kabanata 29

Sway To Forever

Sinusuklay ko pa ang basa kong busok nang lumabas ako sa condo. Na-late ako ng gising kaya kinakailangan kong magmadali para hindi mahuli sa trabaho. Si Ivan kasi ay nasa site na pinagta-trabahuhan na niya. Matapos niyang makapasa sa exam ay may kumpanya na 'agad na kumuha sa kanya.

Sumakay ako ng elevator para mas mabilis makababa galing sa floor ko. Pagbukas ng elevator ay napangiti ako nang siya ang bumungad sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko palabas ng elevator.

"Seve, ano'ng ipinunta mo rito?" tanong ko sa kanya. Hinalikan niya ang kanang pisngi ko at hinawi ang kanyang buhok. Lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko sa kada araw na makikita ko siya.

"Of course, it is you."

Nakagat ko ang gilagid ko dahil sa sinabi niya. Inakbayan niya ako habang papunta kami sa kotse niya. I love to be with his comfort. I love him that much making me want to be inside his arms forever.

"Si Seb ba ay ayos lang kina Tito at Tita?" I asked. Kauuwi lang kasi ng parents ni Seve para sa isang linggong pahinga rito sa Pilipinas at pagkatapos ay sa Canada naman pupunta para sa business meetings at pagbisita na rin kay Seven na nagtatapos ng med school.

"Oo, tuwang-tuwa nga sila dahil may dinadala na sila sa Jollibee."

Binuksan niya ang pinto sa shotgun seat para makasakay ako. Dali-dali rin siyang umikot para makasakay sa driver's seat.

"Ini-spoiled na naman nina Tito at Tita si Seb," sabi ko at tumingin sa kanya na nakakunot ang noo. "Bakit gan'yan mukha mo?"

"I think that you should call my parents mom and dad too."

"Bakit? May masama ba sa Tito at Tita?" I said, smiling.

"Wala, pero mas may dating kung tatawagin mo silang gano'n. Will you do it for me, Riya?"

He looked at me like a puppy. Kung noon kapag tinitingnan ko siya ay para siyang galit pero ngayon kahit nakakunot na ang noo at magkasalubong na ang kilay niya ay hindi ko mapigilan labanan ang gwapo niyang mukha. Sa mga mata ko kasi ay halos-perpekto na ang mukha niya. I find it addicting.

"Fine. Ikaw ba, kumusta sa site na pinagtatrabahuhan mo?"

Pinagana na niya ang makina ng kotse. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa steering wheel at umandar na ang sinasakyan namin.

"Okay naman. Akala ko masusungit ang magiging boos ko pero approachable naman sila. Ikaw, kumusta ka naman sa Centino?"

Natatawa talaga ako 'pag binabanggit ang pangalan ng kumpanya namin dahil parang brand ng tuna o sardinas.

"Ayos lang. Lumalaki na naman ang suweldo natin at baka mabili ko na rin ng ilang mga gamit ni Seb."

"My parents will buy him those things to day. Save your income for future purposes." Saglit siyang tumingin sa akin at nagtaas ng kilay. Alam ko na ang ibig niyang sabihin sa mga tinginan na gano'n. "May kape sa backseat. Kuhanin mo 'yung isa."

Tiningnan ko ang backseat at napangiti ako nang may makitang starbucks na kape nga roon. Kinuha ko ang may pangalan ko at napangiti ako sa message na nakalagay roon.

Smile and be merry.

Kilalang-kilala ko na ang handwriting niya kaya alam kong siya ang nagsulat no'n. May kung anong abnormal na pagtibok na naman ang puso ko dahil sa simpleng ginawa niya. Siya na lang ang lalaking makapagpapatibok sa puso ko nang gano'n.

Mahigit isang oras lang ang naging biyahe namin papunta sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko.

"Salamat sa libreng sakay."

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon