Kabanata 2

32 5 12
                                    

#CharltonAWIJ

Kabanata 2

Lost In Tokyo

Napapikit ako at napahawak nang mahigpit sa aking maleta. Totoo ba ang mga nakikita ko?

Puro hiragana ang sulat na nasa paligid. Iyong mga tao rin dito mga singkit karamihan tapos magulo iyong buhok. Grabe nasa Japan na nga talaga ako.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig dito sa Haneda airport. Tumingin-tingin ako sa paligid, puro sila Japanese. Wala ba akong makikitang kababayan dito sa Japan?

Matapos i-check iyong mga gamit ko ay lumabas na rin ako ng Haneda Airport. Ang tuwid nilang maglakad tapos ang bibilis din.

Madilim na ang kapaligiran no'ng lumabas ako ng airport. Kung alas-sais na rito ay baka alas-cinco na sa Pinas. Mas advance kasi timezone ng Japan kumpara sa Pilipinas.

Paparahin ko na sana iyong taxi na nakita ko nang biglang yumanig ang paligid. Mahina lang naman pero napasigaw ako sa gulat.

"Lindol! Lindol!" Napatingin sa akin iyong ibang mga Japanese na naglalakad. Bakit 'di man lang sila nag-react. 'Di ba dapat ay mag-duct, cover, and hold sila?

Iyong ibang naparaan ay napangiti sa ginawa ko. Wala pa akong isang oras dito sa Japan pero pinagtatawanan na nila ako.

"Nihon e yokoso," sabi no'ng isang Taxi driver sa akin. Hindi ko maintindihan kaya inilabas ko ang cellphone ko para i-search ang ibig sabihin no'n. Mga basics lang ng language nila iyong alam ko.

Nang mag-loading sa google translate iyong sinabi niya na ang ibig sabihin lang pala ay 'Welcome to Japan' ay nginitian ko siya.

"Arigato," sabi ko kaniya in Japanese ng thank you.

"Want to ride a taxi?"

Maalam naman pala siya mag-english kahit nahihirapan tapos hinihiragana niya pa ako rito. Para siyang tanga. Pero mabait naman siya.

"Yes, I would like to ride one."

The guy nodded. Sinundan ko siya papunta sa kulay dilaw niyang taxi. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto ng taxi 'tsaka siya pumasok sa driver's seat.

"Location. Send your location," aniya, tila hirap na hirap sa wikang ingles.

"Khaosan Tokyo Samurai hotel. Do you know where it is?"

Napahawak muna siya sa kaniyang baba 'tsaka tumango. "Yes, yes! Let's go there."

Pinaharurot na niya iyong taxi. Nagpa-reserve ako ng unit sa Khaosan Tokyo Samurai na hotel. Nakita ko kasi na okay lang iyonh price roon kumpara sa iban na medyo pricey.

Kahit pa marami akong dalang pera ay 'di dapat ako basta-basta gumastos dito sa Japan. Baka mamaya ay mawalan ako ng pera tapos maligaw pa.

Nakatingin lang ako sa bintana habang pinapatugtog iyong mga kanta sa Black Clover na anime. Iyong isa ro'n ay kinanta pa ng isang kpop group. Kahit 'di ako maka-kpop ay nagustuhan ko naman iyong Everlasting Shine nilang kanta.

Ang saya pagmasdan ng mga liwanag dito sa Tokyo. Para rin siyang Maynila na maliwanag kahit gabi. Kung dati ay pangarap ko lang na makapunta rito tapos ngayon ay nandito na talaga ako.

Kung may sapat lang talaga akong pera ay isasama ko sina Lola at Ivan dito sa Japan pero 'di sapat iyon para tatlo kaming pumunta rito. Kapag talaga naging Engineer na ako ay dadalhin ko sina Lola at Ivan dito.

Civil Engineering ang balak kong kunin na course sa college. Sabi kasi ng mga kapitbahay ng lola ko ay marami raw nayaman na mga engineer. Iyon din ang gusto ng nanay ko na kunin kong course. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit iyon pero iyon na lang din siguro ang kukuhanin ko.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon