#CharltonAWIJ
Kabanata 17
Shed of TearsTulala akong bumababa ng bus. Wala akong pinansin maski ang mga tricycle driver na gusto akong isakay. Malayo pa ang bahay pero patakbo ko iyong nilakad nang walang pag-aalinlangan.
Gusto kong magising sa masamang panaginip na ‘to dahil ‘di ako naniniwala sa narinig ko. Hindi ako naniniwalang wala na si Lola Teda.
Hindi lang basta kadugo si Lola Teda. Hindi lang siya basta tagapag-alaga. Siya ang dahilan kung bakit ako nag-aaral. Siya ang katuparan sa pangarap ko.
It was a deafening silence while I was walking. Lahat ng mga kapitbahay namin ay nakatingin sa’kin. I could see their mouths moving pero wala akong naririnig na kahit ano. Isa lang ang pakay ko, ang makauwi ng bahay.
Nanginginig ang mga tuhod ko nang makarating sa tapat ng bahay. May mga monobloc chairs sa tapat no’n at may lumalaylay ang kurtinang puti na hinahangin sa loob ng bahay.
Tinakpan ko ang bibig ko kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin. Napaupo ako nang mapagtanto kung ano ang nasa tapat ko. Isang malaking tarpaulin kung saan naroroon ang mukha ni Lola Teda, ang date ng kanyang kapanganakan at ang date ngayon.
Dam na nagpapakawala ng tubig ang mata ko. Walang tigil iyon kasabay ng aking pagtangis. Dahan-dahang lumapit sa akin si Ivan na namumugto ang mata. Inalalayan niya akong malapit.
“Ate, ‘wag ka namang gan’yan...” malumanay na sabi niya sa akin.
Nagpapadyak ako bago makalapit sa loob ng bahay. Puting kabaong ang naroroon na may kulay lilang ribbon na nakasulat dito. Doon nakasulat ang pangalan ng Mama ko, pangalan naming dalawa ni Ivan, at ang pangalan ni Sebastian.
Alaala ng mga naiwan.
Hindi ko kakayanin na makita kung ano ang nasa loob ng kabaong. Hindi kakayanin ng katawan ko na sumilay kahit maliit lang na porsyon ng loob ng kabaong.
“Paano, Ivan? Paano?” tanong ko sa kapatid ko na nakayakap sa akin. Umiling lamang siya at tumingin sa kabaong.
Dahan-dahan kong tinunton ang tabi ng kabaong. May bumara sa puso ko nang makita ang lola kong nakapikit at nakangiti nang payapa. Doon na muling nagpakawala ng luha ang mga mata ko.
Kung panaginip lang ‘to, pakigising naman ako dahil hindi ako natutuwa sa mga nangyayari.
“K-Kausap ko pa siya kanina kaya pa’no nangyaring wala na siya?” Hinarap ko ang kapatid ko na dahan-dahan lumalapit sa akin. Sinuntok ko nang mahina ang dibdib niya. “Paano, Ivan?”
Habang hinahabol si Seve ay kausap ko pa si Lola Teda ta’s nang mahanap ko na si Seve ay saka ko malalaman na wala na siya. Ang unfair ng mundo. Bakit ba kailangang maging shit ng buhay ko?
“A-Ate...” Hindi makapagsalita si Ivan. “Hindi siya nagluto kanina dahil iniintay ka niya. Gusto niyang kumain tayo sa labas kaya hiniraman niya ako ng pera galing sa allowance ko. Tawag siya nang tawag sa’yo kasi gusto na niyang lumabas. Tapos may iniutos siya ta’s pagbalik ko...” Hindi naituloy ni Ivan ang sasabihin. Niyakap ko siya nang mahigpit at gano’n din ang ginawa niya sa akin.
“Nakahiga na siya sa sahig habang nakangiti nang payapa...”
I heaved a sigh. Hinintay niya ako ngunit mas pinili kong habulin ‘yong taong akala ko makakabuo sa anak ko. Hindi ko naisip na may lola akong may sakit sa puso na naghihintay sa bahay. Hanggang ngayon ang selfish ko pa rin.
Muli kong binalikan ang kabaong. Tinitigan ko ito ng ilang segundo bago ito hagkan. Pinagmasdan ko ang payapang mukha ni Lola Teda. Hindi na siya mahihirapan simula ngayon.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...