#CharltonAWIJ
Kabanata 30
Final Chapter
Idinampi ni Seve ang kanyang labi sa aking labi. Isinara ko ang pinto ng hotel room at naglakad nang patalikod hanggang sa mapaupo ako sa kama. Hinawi ko ang buhok ni Seve habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa labi ko. Tumutugon ako sa kanyang mga halik pero napapasabunot na lang ako minsan sa kanyang buhok.
Bumababa ang mga halik niya patungo sa leeg ko, sa dibdib ko, at sa tiyan ko. Napapgat labi ako sa pakiramdam na idinidulot niya sa akin. Nilaro niya ang dalawang bundok sa'king dibdib habang ako naman ay napapasabunot sa kanyang buhok o napapahawak sa leeg.
Kanina lang ay ginabi na kami sa mga pinuntahan namin kaya nag-decide kaming mag-hotel room na lang sa malapit na bayan. Delikado rin ang biyahe lalo na't antok at pagod na kaming dalawa.
Dahan-dahang inalis ni Seve ang suot kong damit, tanging bra na lang ang naiwan sa akin. Pumaibabaw siya sa akin at nagtanggal ng pang-itaas. Muli niya akong hinalikan sa iba't ibang parte ng katawan ko.
We made love that night. Iyon ang gabi kung saan nag-meet muli ang mga bituin at ulap sa langit. I love him. I love him that much.
Kinabukasan ay nagising ako nang may kung anong masakit sa ibabang parte ng katawan ko. Nakayakap ako sa hubad na katawan ni Seve. Tanging boxer shorts lang ang suot niya ngayon. Isinuot ko ang damit na suot ko kagabi at nagpunta sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.
Tila ba natauhan ako sa malamig na tubig na inihilamos ko sa akin. Nag-sepilyo ako dahil baka amoy ulam pa 'yon na kinain naming dalawa kagabi. Saktong labas ko ng cr ay bumungad sa akin si Seve na magulo ang buhok pero gwapo pa rin.
"Nagising ka na 'agad?" tanong ko at hinawakan ang kanyang leeg.
He smiled at me at humawak sa beywang ko. "Wala ka sa tabi ko kaya kusa akong nagigising. I love you, Riya."
Hinalikan niya ang noo ko dahilan para yakapin ko siya. Ang sarap sa pakiramdam na yakapin ko siya. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya.
"I want to live with you, Seve," diretso kong sabi sa kanya. Matagal ko rin na pinag-isipan kung kailangan na talaga namin magsamang dalawa sa iisang bubong. Para sa anak naming dalawa at para na rin sa amin.
"Did I heard it right? You want to live with me?"
Ang ngiti niya, ang panlalaki ng mga mata niya, paano pa ako hihindi kung mahal na mahal ko ang taong 'to.
"Oo, Seve. I want to be with you forever. Magsisimula tayong dalawa kasama si Seb!"
Nginitian namin ang dalawa at hinalikan at isa't isa. Nag-shower lang kaming dalawa saka umalis ng hotel.
Ilang oras ang naging biyahe namin pabalik ng condo. Kukuhanin ko na 'yong mga gamit ko rito para ayusin ko na rin kina Seve pagpunta namin doon. Si Seb, Ivan, at Yvon na girlfriend ni Ivan ang bumungad sa aming dalawa ni Seve nang buksan namin ang pinto.
Nginitian kami ni Yvon at si Ivan naman ay nakatingin lang sa amin.
"Mommy, bakit hindi n'yo ako isinama?" nagtatampong tanong ni Seb sa amin. Lumalaki na siya at mas nagiging kamukha na niya si Seve. Sigurado akong lalaking gwapo ang anak namin na 'to. Bata pa lang, may future na ang mukha.
"Eh, kasi ano." I can't tell him dahil hindi gusto rin naman namin ni Seve ang pagkakataon na kaming dalawa lang. We want to catch up with each other. Sa lahat ba naman ng nangyari, tama lang na magkaroon kami ng oras para sa isa't isa.
"Basta, Seb. Malalaman mo 'yon pag tumanda ka na," natatawang sabi ni Ivan. Baka naman kung ano na lang ang itinuturo niya sa anak ko kapag isinasama nila si Seb sa date nila ni Yvon. Ayoko pa namang mamulat sa gano'n ang anak ko kapag teenager na siya. Ayokong maisip niya 'agad ang bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...