Kabanata 4

24 3 7
                                    

#CharltonAWIJ

Kabanata 4

Essential

Kahit balot na balot na ako rito sa Japan ay nanginginig pa rin ako sa lamig. Sinulyapan ko si Seve na parang wala lang sa kaniya iyong lamig. May heater pa siya sa loob ng suot niya? Pero, ang cute niya suot-suot iyon. Para tuloy siyang snowball na binalot ng kung ano-anong tela.

"Why are you staring at me?" he asked, furrowing his brows. Kahit kailan ang sungit nitong lalaking 'to. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?

"H-Hindi ako tumitingin sa'yo, ah." Iniwas ko na lamang ang tingin sa kaniya at nag-focus sa daan. Una kasi naming pupuntahan ang Loft, isang stationery store. Napanood ko lang naman iyon sa vlog ni studyquill kaya alam kong maganda iyong puntahan.

"Saan ba kasi 'yung pupuntahan natin?" nababagot na tanong ni Seve sa akin. Sabagay bata pa siya na feeling mature mag-isip. Hindi ko naman siya pinilit na sumama. Siya iyong nag-insist dahil wala naman daw siyang ibang pupuntahan bago iyong concert na pupuntahan niya.

Tumingin ako sa google maps para tingnan kung nasaan na kami. Bakit parang katapat na namin iyong Loft pero hindi naman? Inangat ko iyong tingin ko. Hindi naman Loft 'to.

"Manloloko si google map wala naman dito iyong Loft." Napakamot ako sa aking ulo. Pinagod ko lang si Seve sa paglalakad papunta rito para sa wala. Lumapit nang bahagya si Seve sa akin, halos maglapat na nga 'yung mga pisngi namin. Hinawakan niya iyong kamay ko na hawak-hawak iyong cellphone ko. Pagkatapos ay hinila niya ang kamay ko para mapaharap sa likuran namin.

"Loft," basa ko sa name ng store na kanina ko pa hinahanap. "Ang galing mo talaga, Seve. Hindi ko naisip iyon, ah."

He hissed at umiwas ng tingin sa akin. Para akong batang nagtatakbo papunta sa loob ng Loft. May mga Japanese na naka-panlamig din na nandito. Tumitingin-tingin sila ng mga stationery.

"Heaven," I blurted. Ang laki nitong store at lahat yata ng tingnan ko ay puro ballpen ang nakikita o kaya naman ay highlighters. Heaven talaga! Dati pangarap ko lang makapunta rito kasi ang onti ng pens sa NBS, wala pa roon iyong mga personal favorites ko na ino-order ko pa sa shopee.

Dali-dali akong kumuha ng basket at nagpunta sa isang stall ng pens na may iba't ibang kulay. Ang hirap mag-decide kung Pilot Juice o Zebra Sarasa iyong kukumpletuhin kong pens. Maganda naman kasi pareho pero iba iyong color ng Pilot Juice kasi literal na Pilot Juice. Iyong Zebra Sarasa naman ay ang sarap gamitin kahit black pa lang iyong meron ako. Tapos favorite pa 'yon ni studyquill.

Gusto kong maiyak sa pagitan ng dalawang set na 'to. Pilot Juice o Zebra Sarasa? Pareho ko kasing gusto, nakakainis naman. Sayang naman ang pera ko kung pareho ko 'tong bibilhin.

Sa huli ay Zebra Sarasa ang inilagay ko sa basket. Mas maganda ito gamitin tapos hindi nagloloko 'di tulad noong kulay black ko na Pilot Juice minsan nasulat minsan hindi. Mas marami pati itong kulay.

"Bibilhin mo lahat iyan?" Umangat ang kilay ni Seve habang nakatingin sa mga nakalagay sa basket. Apat na set lang naman iyon ng Zebra Sarasa. Iyong twenty na basic colors, iyong vintage, pastel, at metallic. Black lang ang mayroon ako sa bahay. Ang mahal-mahal kaya ng mga 'to sa Pilipinas.

"Oo, bakit ba?" Inangatan ko siya ng tingin tila makikipagsuntukan sa may kanto.

Umiling siya. "You're going to spend thousands of yen just for pens?" Napa-tsk siya at tumalikod. Tumingin-tingin na lang siya sa mga Pilot G2 na nasa katabing stall. Favorite ko rin iyon pero nakukulangan ako sa colors kaya Zebra Sarasa pa rin 'yung bibilhin ko.

Papunta na sana ako sa stall ng mga highlighters nang maglagay ng isang pack si Seve ng Pilot G2 sa basket. Limang black pens 'yon. Hindi ko alam na may choice rin pala siya sa mga pens.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon