#CharltonAWIJ
Kabanata 16
Chase“Totoo bang buntis na si Shami?” tanong ni Beatrice sa amin habang nag-aayos ng gamit. Lahat kami ay tumingin kay Zandro na siyang alam lahat ng balita sa buong school.
“Oo raw kaya absent kanina. Tanungin ko mga kaibigan no’n bukas. Ang balita ko nga ay bibisita sila ngayon kay Shami,” sagot ni Zandro. Ang confident niyang sumagot na parang alam na alam niya ang nangyari kay Shami.
“Sayang naman. First year college pa lang siya. Pa’no ‘yung mga pangarap niya?” ani Vannah.
Tumingin naman ako kay Pia na nagsusuklay ng buhok. Ta’s si Hardy na may kung anong ginagawa sa laptop niya. I felt guilty dahil pinag-uusapan nila ‘yung isang kaklase namin na nasira ang pangarap dahil nabuntis pero ako itong hindi nagpapakatotoo sa kanila at hindi sinasabi ‘yong nangyari sa akin.
Kumpara kay Shami ay mas worse ako. Dahil siya pumatol lang sa matanda samantalang ako ay pumatol sa lalaking hindi ko naman lubusang kilala sa lugar kung saan hindi ko gamay.
“May chance pa rin naman kung papasok siya pagkaanak niya next year,” komento ko. Kailangan din naman nilang marinig ‘yong side ng mga katulad kong nabuntis nang maaga even though kami talaga ‘yong may pagkakamali.
“Uuwi na pala ako. May nag-text bigla sa akin.” Isinara ni Hardy ang laptop at isinuksok iyon sa kanyang backpack. “Mauna na ako. I’m sorry.”
“Kami rin pala ni Pia need na umuwi,” ani Vannah.
“Sabay na rin kami,” sabi ko naman. Lahat naman kami ay magba-bus papuntang Santa Cruz dahil doon din ang terminal papunta sa bayan nina Vannah, Pia, Catherine, at Beatrice.
Inilagay ko ang lahat ng gamit ko sa loob ng bag at pencil case. Pagabi na rin at baka mas gabihin sila na taga-malayo kung hindi pa kami uuwi ngayon. Habang iniipon ko ay kalat sa aking kamay, isang lalaki ang nakakuha ng atensyon na lumabas ng library. He’s familiar!
Those thick crossed eyebrows. His firm grip on his things. Pati na rin ang side view niya ay kilalang-kilala ko pa rin. Hindi siya nagbago even though he became matured. Hindi ko in-expect na sa university ko makikita ang lalaking ‘yon. Hindi ko alam na sa ilang buwan kong nandirito sa Charlton University ay makikita ko si Seve!
Mas binilisan ko ang pag-aayos ng gamit dahil kanina pa ako iniintay nina Pia.
“Sana all may kasabay. Sabay na ako palabas ng school,” ani Zandro.
“Mauna na kayo. May kailangan lang akong puntahan. It’s urgent.” Tinanguan nila ako habang ang mga paa ko ay hindi na makapaghintay ng mamaya. Kailangan kong makausap si Seve at sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin.
Hindi ibig sabihin no’n na mapapatawad ko na siya. Kailangan ko lang sabihin sa kanya kahit na natatakot akong hindi niya tanggapin si Sebastian. Sixteen pa lang siya noon at baka pinagsisisihan niya ang ginawa niya sa’kin pero kailangan niyang malaman. Sebastian needs a father. Hindi man kami ayos dalawa ay basta may ama ang anak ko!
Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ngunit wala na ang mga bakas ni Seve. Hindi ako basta-basta susuko dahil baka nandito lang siya. Makikita ko rin ang lalaking ‘yon!
Lumabas ako ng university at sumisilay sa bawat lalaking lumabas. Kailangan kong makita ang lalaking ‘yon. Habang nakatayo ay nag-ring ang cellphone ko dahil sa tawag ni Lola Teda.
“Riya, pagabi na. Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya. I gripped my hand on my phone habang alerto pa rin sa mga lumalabas at pumapasok ng university. Hindi ako puwedeng magkamali dahil sigurado akong si Seve ‘yon sa pamamagitan pa lang ng tindig niya. Hindi ko man narinig ang boses niya ngayon, paulit-ulit naman sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya noong nasa Japan pa lamang kami.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...