Kabanata 21

11 3 6
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 21
Exposed

“Is that my child?”

Hindi ko na naiwas ang tingin sa kanya. Nasa Japan pa lamang kami ay natural na kay Seve ang kanyang common sense. Hindi na nakapagtataka na mahulaan niya na anak niya si Sebastian.

“Yes, he is your child. Okay lang naman, Seve kung...” 

Hindi niya ako pinatapos at dali-daling bumababa mula sa kotse. He bolted towards Ivan at inagaw ang anak ko mula sa kapatid ko.

“Seve?” nakakunot-noong tanong ni Ivan sa ama ng anak ko. They were classmates at nakakalito nga namang isipin kung bakit nandito si Seve.

Naglakad ako papunta sa kanila. Nalipat ang tingin ni Ivan mula kay Seve papunta sa akin.

“Ate? Ano’ng ibig sabihin nito?”

Yakap-yakap ni Seve ang anak ko at halata sa kanyang hindi siya maalam magkalong ng bata. Nagwala si SebSeb sa pagkakayakap ng kanyang ama kaya napilitan si Seve na ibaba siya. Naglakad ito papunta sa akin.

Napamura si Seve. Kinalong ko si Sebastian at pumasok sa loob ng bahay.

“Sumunod ka, Seve.” Hindi ko na pinansin ang kapatid ko na may mga mapaglarong tanong na hindi ko sinasagot. I would explain later pero sa ama muna ng anak ko.

Inilapag ko sa sahig si Sebastian. Naglaro ito sa may salas at sinusubukang kuhanin ng kanyang ama ang atensyon nito. Ngunit parang hangin lang si Seve sa mga mata ni Sebastian. Hindi nito ito pinansin at nakipaglaro kay Ivan. Hindi pa gaanong nakakapagsalita si Sebastian kaya hindi pa siya tumatawag ng kung ano.

Mula sa kusina, dinala ko ang pitsel ng malamig na tubig at pagkain na nakuha ko sa ref. Padabog kong ipinatong iyon sa ibabaw ng maliit na lamesa na nasa tapat ni Seve.

“Riya, fuck! Why did you his this to me?” bungad niyang tanong sa akin. Ang kapal naman ng mukha niya na sabihin na itinago ko ang anak ko sa kanya, eh siya nga itong basta na lang umalis sa Japan.

“Itinago? Gago ka ba? Ikaw ang nang-iwan, Seve tapos ikaw pa ang naghahanap ng rason kung bakit ko itinago sa’yo?” 

Kung noon, panay sakit ang nararamdaman ko sa tuwing naalala ko si Seve. Pero ngayon, inis at galit ang nangingibabaw sa akin. Gusto kong isampal ang lahat ng hinanakit ko sa kanya. Deserve rin naman niyang masaktan.

“Okay...” Natuptop ang labi niya. I’m glad na tahimik at nangangapa lang ang kapatid ko sa kinauupuan niya. Si Sebastian naman ay walang pakialam na naglalaro.

“I just want an answer, Riya.” By looking at his facial expression, alam kong sincere niyang sinabi iyon. Paniguradong nagtataka siya ngayon dahil isang beses lang naman namin na ginawa ang bagay na ‘yon. Hindi pa rin naman mawawala ang posibilidad dahil unprotected iyon.

“Saan mo gustong simulan? Sa iniwanan mo ako? Sa umiyak ako?” Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak. Ilang beses ko na siyang iniyakan at sapat na ‘yon. Hindi na dapat pa madagdagan. “Sa nasira ‘yung buhay ko? Sa pagkawala ni Lola Teda? Sabihin mo kung saan Seve!”

Napatungo siya. Para siyang bulaklak na tumitiklop kapag sinabihan ng masasakit na salita. Hinding-hindi niya mararanasan ang naranasan ko. Magkaiba kaming dalawa. Mayaman siya at katamtaman lang ako.

“All, Riya. All of the things that happened.”

Inalala ko ang mga nangyari matapos niya akong iwanan sa Japan.

“Isang buwan matapos mo akong iwanan. Nagkaroon ako ng signs ng pagbubuntis at hindi ko inakala na nag-positive ako. Iniwanan ako ng best friend ko nang malaman niya at tumigil ako sa pag-aaral nang dahil doon. Sabihin mo, Seve. Masaya ba na ikaw ang taong sumira sa pangarap ko?”

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon