#CharltonAWIJ
Kabanata 9
Nademonaiya
Magtatanghali na nang magising ako. Nasa veranda lang si Seve, umiinom ng paborito niyang tsaa. Ngumiti ako sa kaniya at gano'n din siya sa akin. Kumportable akong umupo sa bakanteng upuan katapat niya.
"Saan naman tayo pupunta ngayon?" I asked. Kung ako lang, tapos na ang journey ko rito sa Tokyo. Iba na ngayon dahil ka-travel buddy ko si Seve at 'di dapat kami mag-iwanan.
"May isa street concert akong gustong puntahan mamayang alas-dos."
Ang dami naman niyang alam na banda sa Japan. 'Di tulad ko na ballpen at anime lang ang binalak dito. Japan is a great country. I enjoyed my stay here.
"Alas-dos? Mag-a-alas-dose na. Ta's 'di pa tayo kumakain. We should go na!" natataranta kong sabi sa kanya.
Inakbayan niya ako. Kahit malamig ay nalanghap ko pa rin ang pabango niyang panlalaki.
"Stay calm." Hinawakan ng kaniyang nakakapanginig na kamay ang kamay ko. We smiled at each other 'saka nag-unahan papunta sa comfort room.
Nag-sweater lang ako dahil 'di naman gano'n kalamig 'di tulad noong unang araw na umulan ng snow. Nasanay na rin ako sa tagal namin na nandidito.
Hawak-hawak ni Seve ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa pag-la-lunch-an namin. Brunch na 'to kung tawagin dahil pasado alas-dose na.
Kung sa Pilipinas ay inisip na ng mga tao na mag-jowa kaming dalawa. Buti na lang dito sa Japan ay walang mindset na gano'n. Hindi naman ako na-a-awkward-an sa tuwing hinahawakan ni Seve ang kamay ko. Para lang naman kaming magkapatid na gumagala rito sa Japan.
Kalahati ng restaurant na pinuntahan namin ang occupied kaya may space pa kami para kumain. Ramen at Tonkatsu lang ang in-order namin para sa lunch. Kahit na gano'n lang ay parang hinihila ako ng tiyan ko palubog ng lupa sa sobrang bigat ng pakiramdam nito.
"Ano 'yung naririnig ko?" tanong ko sa kanya nang makarinig ng natugtog na banda habang naglalakad.
"Iyon na 'yung street concert," paanas niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa pinanggagalingan ng tunog.
Parang alam ko 'yung kantang tinutugtog sa concert na 'yon. Iyon 'yung isa sa mga theme song ng Your Name!
Napangiti ako nang makarating kami sa street concert. Ang nostalgic makinig sa mga kantang sinasabayan ko no'n sa TV.
PIctures of Taki at Mitsuha flashed in my mind. Kung paano sila nag-struggle sa relationshipnilang dalawa. Uminit ang pisngi ko dahil sa luhang tumulo mula sa aking mata. Kahit ilang beses ko nang napapanood ang movie na 'yon ay 'di ko pa rin mapigilan na maiyak sa tuwing naalala 'yong ibang scenes.
"Why are you crying?" Gamit ang hinlalaki, pinunasan ni Seve ang luha malapit sa'king mata. Napaatras ako dahil 'di ko inasahan na gagawin niya 'yon.
"Naalala ko lang 'yung movie ta's 'di ko in-expect na 'yung bandang mag-i-street concert ay 'yung kumanta ng mga kanta ng Your Name."
He smiled. It reminds me of Taki. Lalo na ngayon na naka-jacket siyang itim. We stared at each other for a few minutes nang magbago 'yung kanta. This was my favorite song!
"Ano'ng title niyan?" pasigaw na tanong ko kay Seve.
"Nademonaiya." Hindi ko alam ang ibig sabihin no'n kaya umiwas ako ng tingin kay Seve. "It means nothing or nothing special."
I bit my lip. Bakit ba ako affected sa meaning ng kantang iyon? Nademonaiya.
I'm with Seve for almost four days, but it seems that I was nothing special to him. For me, kaibigan ko siya pero 'di naman 'yon ang turing niya sa'kin Ang sakit namang mag-expect.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...