Kabanata 11

15 3 7
                                    

#CharltonAWIJ

Kabanata 11

Seve left me in Japan. Natutunan ko na hindi lahat ng tao ay magtatagal. Hindi tayo dapat umaasa. Strangers will remain strangers if you met them in a different country or place.

Bakit ako 'yung dinaanan na lag basta-basta. Do I deserve that treatment? Ibinigay ko naman ang lahat sa'kin. Naging totoo naman sa kanya at sa sarili ko.

Stale winds brushed my skin. Kanina pa ako nakatayo rito sa tapat ng bahay ni Lola Teda, hindi ko yata kayang tawagin ang pangalan nilang dalawa ni Ivan. Hindi ko deserve na maging apo niya. Umalis akong birhen pero pagbalik ko ay hindi na. Bakit ko ba hinayaan 'yong emosyon ko na mahulog sa taong nakilala ko lang sa paborito kong bansa?

"Ate?" Napalingon ako at nakita si Ivan na nakasuot ng jersey. Nakasuksok ang earphones niya at nanlalak ang matang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya. "Bakit hindi ka nagsabing ngayon ka pala uuwi? Sana nasundo ka namin ni Lola sa kanto."

"Hindi na, kinaya ko naman 'tong mga dala ko." Iniwas ko ang tingin para mag-focus sa dalawa kong malaking maleta at tatlong eco bag na labit-labit ko.

Ivan shrugged. "Tara na, kanina pa nagluluto si Lola para sa new year." Kinuha niya ang isa kong maleta at dalawang eco bag na hawak-hawak ko. Paano ko pa kakalimutan ang lalaking 'yon kung dito mismo sa bahay ay may katulad na katulad niya?

Nang buksan ni Ivan ang pinto ng bahay ay bumungad sa amin si Lola Teda na abala sa pagluluto. Gano'n naman siya palagi. Kung hindi paglilinis ng bahay ay pagluluto ang ginagawa niya. Kung kakayanin niya pa sigurong magtrabaho bukod sa paglalako ng suman at kung ano pa ay baka nagawa na niya. Siyang lang yata 'yong lola na hindi kumikirot ang katawan kaka-trabaho.

"Riya? 'Di ka man lang nagsabi na ngayon ka uuwi?" Pinilit kong ngumiti ngunit kasabay ng ngiting 'yon ang alaala naming dalawa ni Seve sa Japan. Iyong pagbabatuhan namin ng snowball at paghahabulan namin sa nagyeyelong lungsod ng Tokyo.

"Ah, kasi 'la ay isu-surprise ko sana kayo," palusot ko. Alangan naman na mag-stay pa ako sa Japan kung wala na ro'n 'yung rason kung bakit ako nagtagal. Magpapasko pa lang sana ay nakauwi na ako kung hindi ko nakilala si Seve.

"Ah, sige."

Inilagay ko ang lahat ng gamit ko sa kuwarto. Inihiwalay ko 'yung mga pampasalubong ko kay Talia at ang mga ibibigay ko naman kina Ivan at Lola.

Lumabas ako ng kuwarto ko dala-dala ang mga eco bag na may lamang kung ano-ano.

"Ivan," tinawag ko ang pangalan niya at ibinigay ang isang Pentel Orenz na mechanical pencil.

Mamahalin 'yung drafting pencil na 'yon na puwede niyang magamit sa pag-e-Engineer niya. Dalawang drafting pencil 'yon ang itinira ko sa'kin ay 'yung Tombow ang tatak. Hindi ko naman talaga balak mag-Engineering pero mukhang wala akong choice kundi sundin ang gusto ni Mommy.

"Thank you, 'te," aniya at ngumiti. Kasabay ng kaniyang pag-ngiti ay ang larawan na namuo sa aking isipan. Iyong picture namin ni Seve na d-in-elete ko kanina habang nasa eroplano.

"Ako ba, Riya? Ano'ng pasalubong mo sa'kin?" Mahiwaga akong ngumiti at inalis ang bumabagabag sa isipan ko. Siya pa ba na nagpalak sa aming dalawa hindi ko bibigyan? Inilabas ko ang laman na eco bag na isang sling bag at kumot. Wala na akong maisip na ireregalo sa kanya kundi 'yon. Mahilig siya sa kumot, eh.

"Mamahalin pa yata 'to kaysa sa Baguio. Ang tela, napakakapal tapos itong bag kasya na siguro mga nasisingil ko sa itlog na pula." Nginitian niya ako at niyakap. Kailangan kong maging masaya dahil nabigyan ko sila ng mga gusto nilang bagay. Masaya naman ako maliban na lang kung maalala ko si Seve. Wala lang naman siro siya sa'kin at makakalimutan ko rin kapag lumipas ang panahon.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon