Kabanata 20

10 1 8
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 20
Him

“Baka naman gusto mong i-explain sa amin ‘yong nangyari kahapon, Rhianna?” nakataas ang kilay na tanong ni Zandro. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang nangyari ngayong kumpleto kami. Baka hindi nila ma-gets ang side ko.

“Bakit? Ano’ng nangyari kahapon?” tanong ni Vannah, isa sa apat na walang kaalam-alam.

“Naghahanap kasi kami ng jowable sa school nang mapadaan kami sa Engineering department. Ta’s may naka-eye to eye si Riya then naghabulan sila sa buong university.” 

The four introverts formed an o in their face dahil sa ikinuwento ni Bea. Kung nandito lang sila kahapon ay malamang ako ang naging topic nila buong maghapon.

I sighed. I want to be honest with them. Tinulungan nila ako sa pag-aaral ko kahit na parang batong ipinupukpok ko sa ulo ang Accounting subjects.

“May anak ko,” diretso kong sabi. Napatakip pa ng bibig ang iba sa kanila habang ang iba ay tutunawin ako sa mga tingin. In-explain ko ang lahat sa kanila. Sinubukan kong maging detailed para mas maintindihan nila ang nais kong iparating.

“Hoy, ang galing!” nagpapalakpak na sambit ni Bea. Dahil do’n ay binatukan siya ni Zandro.

“Ayos lang ‘yan. Hindi lang naman ikaw ang single momhie,” ani Pia.

“Sino ‘yang lalaki abangan na namin sa gate mamaya.” Ikinuyom ni Zandro ang kanyang kamao at ipinatong ang mga ‘yon sa ibabaw ng lamesa. Parang susugod sa isang labanan.

“Huwag na. May girlfriend na siya at masaya silang dalawa. Ayokong manira ng buhay nang dahil lang sa kapakanan namin ng anak ko.”

Agarang umiling si Hardy. “No, we should take some actions. May mga kilala ako sa Engineering department kaya kaya kong malaman kung sino ang lalaing ‘yon,” ma-awtoridad niyang sabi na tila isang abogado. Malalaman niya ‘agad ‘yon dahil close si Seve at ‘yong kaibigan niya.

“Oo nga,” dugtong ni Catherine na sinundan ng iba pa.

Thankful ako na kasama ko sila sa ganitong mga pangyayari. At least nasabi ko sa kanila ang totoo na hindi nila ako iniiwan. Nang dahil sa mga bago kong nakilala, napatunayan ko na hinid lahat ay kagaya ni Talia.

Natapos ang klase at kinailangan ko pang daanan si Danna sa Psychology department. Simula nang makita ko si Seve ay naging mapagmasid na ako sa paligid. Palaging tinitingnan ang bawat sulok ng unibersidad.

“Danna!” I called her. Kalalabas niya lang ng room habang kausap si Seven.

Tumingin ang dalawa, naglakad papunta sa’kin.

“I’m glad that you’re here, Riya. We’re planning something.”

Napahawi ng buhok si Danna “Si Seven kasi gustong pumunta tayo sa kanila bukas.”

“Hoy, oo nga! Tara pumunta tayo bukas!”

I lied. Hindi ko talaga gustong pumunta bukas. Mas gusto ko pa na sumama kina daddy bukas pagsundo kay Sebatian. But, I have to, ganoon talaga kapag nagpapanggap ka,

“I told you, Danna na it was okay with her. You’re just being paranoid.”

Danna threw a glare. Nanlalagkit ako sa tingin niya sa akin. 

“Seven, aalis na kami. We’re go to your place tomorrow.”

Ngiting-ngiti si Seven, akala mong wala nang bukas.

“Sigurado ka ba? Paano ang anak mo? Nasabi mo last time na nag-away pa kayo ni Ivan dahil sa pagkain natin sa labas.” sabi niya habang nakikipag-chat dito sa bus.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon