#CharltonAWIJ
Kabanata 28
ForgiveNapangiti ako nang makitang muli ang unibersidad kung saan ako nagtapos ng Accountancy. Nagsuot ako ng magandang dress na binili ko pa kahapon para lang sa graduation nina Seve at Ivan. Hindi raw kasi nakauwi ang parents ni Seve kaya ako rin ang sasama sa kanya sa stage.
Mabuti na lang at magkalapit ng upuan sina Seve at Ivan kaya katabi ko silang dalawa. Sila pa tuloy ang magkapatid at ako ang inang umaakay sa kanila.
"You're almost late, Riya," Seve said, namumuo pa ang pawis sa kanyang mukha.
"Hindi naman. Mga ten minutes lang akong late. Nandito na naman ako para samahan kayong dalawa sa itaas ng stage."
Hindi na ao nakapakinig pa sa sinasabi ng speakers sa stage dahil hindi ko naman nasimulan. Isa-isa nang tinawag ang graduates ng ibang department. Napapangiti ako kapag may naririnig akong pamilyar na pangalan sa'kin. May mga naging kaklase ako sa Accountantcy na lower years kaya 'yung iba ay ngayon din ga-graduate.
Nang Engineering department na ang tinawag ay magkasunod na tinawag ang kapatid ko at ang ama ng anak ko. Magkasunod ko rin sila binigyan ng certificate.
"Congrats, Engineers!" sabi ko nang makababa kami ng stage. "Mag-selfie naman tayo rito. Kailangan ko lang ng proof para kay Seven at sa mga magulang mo, Seve."
Hindi naman umangal 'yung dalawa. Nang mag-picture kami ay ngumiti ang dalawan taong kasama sa species ng mga yelo. Natatawa na lang ako 'pag naalala kong ang tawag ko sa kanila ay snowball at snowflake. Pareho kasing cold at masungit.
Ni-send ko kay Seven ang mga pictures namin sa baba ng stage. Hindi pa sigruado gising iyon dahil iba ang oras sa Canada. Sunod ko naman ni-send 'yon sa parents ni Seve. Nagbigay pa sila ng panghanda, ang kaso lang ay kaming tatlo ang magmu-mukbang dahil wala naman daw bisita at ayaw ni Seve na may ibang bisita.
Nang matapos ang program ay kani-kaniya nang alis ang mga tao sa loob ng covered court. Nag-picture rin kaming tatlo sa mga magagandang spot ng Charlton. Mami-miss ko rin ang school na 'to.
Sa kotse kami ni Seve sumakay. Ako sa passenger's seat at si Ivan sa shotgun seat. Dadaanan pa namin si Sebastian sa school niya kung saan nagki-Kinder. Gusto ko sana na sa public lang mag-aral si Sebastian kaso ang gusto ng parents ni Seve at parents ko na private papasukin ang apo nila. Iba talaga 'pag unang apo.
"Congrats, Daddy and Tito Ivan," masayang bati ni Seb sa ama at tiyuhin niya. Mabuti na lang talaga na 'di siya lumaking cold na bata. Mabuti na lang at sa amin siya ni Seven nagmana.
Sa katabi ni Ivan siya naupo. Nag-drivethru kami sa mga fast food restaurant na nadaanan namin. Kinagabihan pa lang kasi ay p-in-lano na namin na sa Japanese Garden mag-handa nang kaming apat lang.
Nag-order kami ng napakaraming pagkain tulad ng fries, burger, chicken, pasta, at mga drinks at desserts. Maubos naman kaya namin 'tong tatlo kung kami lang ang kakain. Sobra pa nga rito ang ibinigay ng parents ni Seve kahit pa nagpa-gas na kami. Alam naman nilang kaming apat lang pero ang ibinigay pang-buffet ng buong baranggay.
Kumaway ako nang mapadaan kami sa kanto ng baranggay namin. Nakaka-miss din ang hangin dito sa Santa Cruz. Hindi na rin ako nakakalanghap ng preskong hangin at madamong daan.
Nakatulog na pala ako sa biyahe hindi pa man nakakalampas ng Santa Cruz. Buti alam ni Ivan kung saan ang Japanese Garden.
"Sarap ba ng tulog mo, Mommy?" Tinawanan ako ni Sebastian nang makababa kami. Hinawakan ko ang kanang kamay niya, samantalang 'yung dalawang lalaki ang may dala ng mga pagkain namin.
"Sakto lang, Seb. Ikaw, bakit hindi ka natulog?"
"Eh, kasi baka gawin nina Daddy at Tito 'yung ginawa nila sa'yo noong tulog ka."
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...