Kabanata 23

10 2 5
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 23
Blow the Candle

"Ang baduy mo," sabi ko kay Seve nang isuot niya ang pambahay ni Ivan. Hindi ko pa siya nakita na naka-sweatshorts kaya nababaduyan talaga sa suot niya.

"Should I remove my shorts and walk around here only wearing my underwear?" sarkastikong tanong niya.

I rolled my eyes at bumalik na lang sa kuwarto. Sumunod din siya sa'kin para makita ang anak niya.

Seve's playing with our son samantalang ako ay tumitingin sa checklist ng mga kailangang bilhin. Mamamalengke kami ni Mama mamaya, eh ang gusto no'n ay ayos na ang lahat ng bibilhin para walang mabibiling hindi kailangan.

Matapos ilista ang mga lahok ng iba't ibang putahe na lulutuin ay ibigay ko kay Mama ang listahan.

"Hindi pala kita masasamahan, Riya. Baka maghanap ang mga kapatid mo." Sumulyap siya sa likod ko. Bahagya akong lumingon, si Seve 'yon. "Magpasama ka na lang sa kaniya."

Tumingin sa akin si Seve tila nagtatanong kung saan kami pupunta.

"Sa palengke, 'di pala makakasama si Mama."

"O-Okay!"

Hinila ko ang t-shirt niya papunta sa kuwarto ni Ivan. Narinig ko namang tumatawa si Mama pati si Tito Arman.

"Magpalit ka ng damit." Humanap ako ng pares ng pang-alis ni Ivan. Sana ay pinauwi ko muna si Seve para kumuha ng damit o kaya sana bukas na lang siya pumunta.

"Can't I wear these?" he asked, pointing his shirt and shorts.

"And baduy mo nga, 'di ba? Pati tanghali na ngayon kaya kailangan maayos na ang suot natin, 'kay?" 

Tumango siya ng parang bata. Ibinigay ko ang pares ng damit at khaki shorts sa kaniya saka iniwan sa kuwarto ni Ivan.

Nagbihis na rin ako ng damt ko. Ibinilin ko kay Mama si Sebastian bago kami umalis ni Seve. Gusto sana sumama ni Ivan kaso lang ay kailangan ng katulong ni Mama.

"Nagpabango ka na naman?" tanong ko nang masinghot ang amoy niya. Pakiramdam ko ay mine-menthol ang ilong ko sa pabango niya.

"Yes," he said, showing me the perfume inside his car.

"Tara na, ituro ko na lang sa'yo ang direksyon."

NANG makarating kami sa pamilihang bayan ay una naming pinuntahan ang bilihan ng karneng baboy.

"One-fifty na lang kilo, Ate. Marami naman akong bibilhin," sabi ko sa tindera ng karne. One-eighty niya binebenta ang kilo ng karne kaya lang ay tumawad ako.

"I have money. We can pay for it," bulong ni Seve. Hindi pa talaga niya alam ang kalakaran ng mga kagaya naming pang-palengke lamang ang budget. Kinurot ko ang tagiliran niya para 'di na magsalita. Epal siya, ha!

"Ineng, lugi na sa puhunan."

"Twenty-five kilos naman ang bibilhin ko, Ate. Pati suki mo ako rito!"

Palusot ko 'yon kahit na ngayon lang ako bumili sa kaniya.

Nasapo nito sa kaniyang noo, tumingin sa kaliwa't kanan saka humarap sa akin. "Sige na, sige na!"

Halos magtatalon ako nang pumayag siya. Nakatipid din ako ng higit limandaan.

"Seve, ang epal mo. Huwag ka na nga magsalita kung ayaw mong masapok kita?"

Kumunot ang noo niya. "What? We can buy those without saving some money."

"Hindi ka pa adult. 'Di mo naman kailangang matutunan 'yon dahil mayaman ka naman. Kayong mayayaman, ayos lang na gumastos nang gumastos na walang tawad."

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon