#CharltonAWIJ
Kabanata 26
HealPinaupo ng parents niya si Seven. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagiging kuryoso sa mga nangyayari. Sana sa kaniya pala muna namin unang sinabi. Natatakot ako na baka magbago ‘yong mga pinagsamahan namin bukas.
Sinabi sa kaniya ni Seve na anak namin si Sebastian. Gusto pa sana magtanong ni Seven kaya lang ay pinigilan niya ang sarili. Gusto ko siyang kausapin na kaming dalawa lang.
Ang awkward ng dinner namin. Walang nagsasalita bukod sa parents nilang dalawa na nakikipaglaro kay Sebastian.
Tutulong sana ako sa paglilipit nang dinala nila ako sa guest room. They told me that I should stay for a while. Hindi na ako nakatanggi, they want some quality time with their grandson. Nag-text na lang ako kay Ivan na hindi ako makakauwi.
Inayos ko ang bedsheet at mga unan sa gusto kong puwedto. Kung puwede nga lang sa sahig mahiga ay ginawa ko na. Mabuti na lang at nagdala ako ng extrang mga damit noong kinuha namin si Sebastian sa Santa Cruz.
Ilang minuto ang lumipas nang bumukas ang pinto ng kwarto ko, iniluwa no’n si Seven.
“Riya…” she called.
Nginitian ko siya. Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Hindi ko alam kung papaan ko siya kakausapin matapos ang nangyari.
“Sorry, Seven.”
“Seve told me everything already. Naiintindihan ko ang lahat kaya there’s nothing to worry. I’m here to talk to you.”
“Okay…”
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. My brother loves the two of you, and he’s going to make a move to win your heart back. Kung puwede, Riya, accept him inside your heart again. I promise that he’s already mature and ready to handle things like this.”
I understand her. She loves her brother, and she wants happiness for Seve. Alam ko naman na ako ‘yung may problema.
“Susubukan ko, Seven.”
Nilisan niya ang kwarto ko matapos ako sumagot. Nitong sabado lang ay biglaan kaming nagpunta sa dalampasigan sa Batangas.
“Hoy, and ganda rito!” Seven took a picture of herself na kita ang alon ng dagat. Pagkatapos ay napatingin siya sa aming dalawa ni Seb. “Seb, halika rito kay tita.” Binitawan ko si Seb at tumakbo ito papunta kay Seven. Bago tumalikod ay tumingin muna ito kay Seve na parang nag-uutos.
“Hey,” Seve called. “The place is nice, right.”
“Oo naman. Hindi pa ako nakakapunta sa ganito. Ngayon lang. Kung ako ‘yung eighteen year-old Riya baka nagtatalon na ako sa entrance pa lamang.”
“Bakit? Aren’t you happy?”
Tumingin ako sa kalangitan na kulay bughaw, kakulay ng tubig sa dagat.
“Masaya naman. Kapag kasi naging ina ka ay walang mas sasaya sa makita mo ‘yong anak mong masaya.”
Naglakad ako palapit sa dalampasigan. Inalis ko ang tsinelas ako at parang batang nilaro ang buhangin gamit ang paa ko.
“Ano last mong pinanood na anime?” tanong niya sa akin.
“Weathering With You, ilang araw bago ko malaman na buntis ako. Noong naging ina ako, nawala iyong pagkahilig ko sa mga bagay na gusto ko. Tinuruan ako na bilhin lamang iyong kailangan at huwag puro kagustuhan.” Tiningnan ko siya. “Ikaw ba? Nanood ka ba ulit ng anime o nagpunta ng concert?”
“I tried to watch, but everything sucks. Sa concert, I don’t know, but I’m not excited with it. May mas hinahanap ako kung saan mas magiging masaya ako. Ikaw ‘yon, Riya.”
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...