Chapter 13
Friendship"Kaninong bahay tayo gagawa?" I asked them. Looking at their reactions, mukhang wala pa yata silang balak. We arranged our chairs na magkakalapit para makapag-usap kami ng maayos.
"Hmm kina Maxon na lang kaya, para swimming pag-tapos." Elmo waggled his eyebrows.
"Project gagawin natin, di tayo gigimik." Tinapunan ng masamang tingin ni Mikee si Elmo.
"Ay, sorry na." Elmo playfully showed us a peace sign.
Gosh I don't know what to feel! Parang three idiots kasama namin buti na nga lang wala pa si Zed dito.
"Sa amin na lang." I offered. Iyon na lang ang nakikita kong solusyon para naman mahiya sila mag-likot diba?
"'Di, sa amin na lang Be-Alice. Walang swimming-swimming promise." Maxon raised his right hand, akala mo si Honesto na nangangako.
"Okay, then I think it's settled. What do you think, Adrian?" I asked while he's busy taking notes.
"Ayos na 'yan, so kailan n'yo ba gusto?"
"Friday, after class? G?" Elmo suggested.
"Oo, pwede rin para mabilis tayong matapos." Sabi naman ni Mikee.
"Magpapaalam pa ako, pero papayagan naman ako niyan tutal walking distance lang naman papunta kina Maxon."
"Walking distance? Ang layo no'n!" Kontra niya sa akin. His exaggerated tone made our group members turn their heads in his direction. "Sunduin na lang kita." seryosong suhestyon niya.
"Smooth pare..." Parang tangang sabat ni Elmo. It made Maxon glare at him.
"Huwag na. I have my bike." I said just to end the conversation. "Sabihin mo na lang sa akin street at landmark."
Hindi naman na ako nagreklamo pa at hinayaan ko na lang sila mag-decide. Buti na nga lang at pinayagan akong sumama sa kanila. Hindi na rin ako pinapahatid kay Kuya Rene, kaya kontrolado ko ang oras ng pag-uwi ko. Pumayag naman sila na uuwi muna ako para makapagbihis ako dahil mainit ang long sleeve uniform namin.
I just wore a simple pambahay, but of course it was decent enough for our activity; khaki shorts and a simple printed white tee. I partnered it with my flat sandals. Ako na ang nag-presinta magdala ng ilang materials kaya naman nilagay ko 'yon sa baby pink tote bag ko.
"Manang, alis na po ako!" Pinuntahan ko siya sa may kitchen.
"Sige, ingat ka! Huwag papagabi masyado ah." Manang replied without looking at me because she was too busy with the potatoes she was cutting.
"Opo!"
I borrowed Ate Ariana's Japanese bicycle. Buti na lang din at hindi ko nilakad ang papunta sa bahay ni Maxon. May kalayuan din ito sa amin at mauubos ang oras ko kung sakaling tinuloy ko ang unang balak.
Pagkarating ko roon ay inasahan kong may nagawa sila kahit papaano. But as expected, puro kalokohan talaga ang mga lalaking iyon. Mula sa labas ay narinig ko na agad ang boses ni Mikee na nagsasaway ng mga kagrupo.
"Huwag niyo sayangin 'yang clay!" Inis na sigaw niya.
I rang the doorbell immediately to get their attention. Mamaya ay nakakahiya na sila roon sa loob! My goodness!
"Huy si Alice na ata 'yon!" Rinig kong sigaw ni Elmo.
Lumabas naman agad si Maxon para pagbuksan ako ng gate. Hindi na bago sa akin ang style ng bahay nila dahil halos malalaki talaga ang mga houses dito sa village. Sa unang tingin, nakakalula. Doon kami sa may garden nila gagawa ng project. Kapansin-pansin agad ang kanilang swimming pool. Kaya pala, gustong-gusto ni Elmo rito.
BINABASA MO ANG
When Heaven Smiled
General FictionEl Cielo Series #1 ✔️ There are things in life that you don't easily forget. Some of their memories will still stay even though years passed. But most of them, are better to remain in the past. It's been a long time since Alice remembered that she w...