09

117 19 15
                                    

Trigger warning: Bullying

Chapter 09
Hurt

   
"Ang mga kabataan ngayon, kakarampot na hirap lang ay bumibigay na agad." Ani ng aming pastor. "Noong panahon namin, kahit piso ang dalang baon namin, pumapasok kami. Kahit nakatsinelas lang ay naglilingkod kami. Times have changed, ngayong madali na dapat mas marami kayong naglilingkod sa Panginoon!"

Hindi nakatulong ang preaching niya sa nararamdaman ko. I felt invalidated. Tumingin ako sa gawi ng youth na tahimik lang din na nakikinig.

"E baka kasi mas maraming oras sa cellphone. Sa Facebook, Twitter, Netflix, ano mga nauusong app ngayon? Wattpad. Kung ano-anong ideologies ang napupulot n'yo riyan imbis na pagtuunan ng pansin ang mga importanteng bagay." mariin ang pagkakasabi niya. Nagdiwang at nag-second the motion ang matatanda. "Sa mga youth natin diyan, baka mamaya may mga boyfriend na kayo diyan? Itigil n'yo 'yang puppy love na 'yan."

"Amen!" They cheered.

Alam kong hindi naman ako ang pinatatamaan ngunit hindi ko maiwasang isipin ang nararamdaman ng kapwa bata ko. Inaalay nila ang oras sa simbahan tapos maririnig lang nila ang mga ganitong klaseng sermon?

"Dapat kahit bumagyo o bumabaha kayang-kaya n'yo pumunta rito! Amen?" Ilang beses niya hinampas ang pulpito kaya tila bang nag-apoy ito. Muli na namang nagsaya ang mga nakatatanda sa amin. "Isipin mo, si Hesus nga hindi nagdalawang isip na magpapako sa krus para sa mga kasalanan ninyo! Tapos kayo ni prayer meeting, kada Linggo na lang a-attend, hindi n'yo pa magawa?"

Nasasayangan ako sa oras. Sa pagkakaalam ko ay wala naman sa amin ang mga tinutukoy niyang bata. I don't know, it's just an observation. Madalas ay kumpleto kami sa youth, iba-iba lang ng oras at gawain. Nagkataon kasi na ang iba sa amin ay working student. Hindi sa pagiging suwail na bata, pero bakit hindi nila subukan magturo kung paano ang parenting? I mean, I just find it unfair that we were always the target.

"Preach on!" my Papa spoke when he heard another relatable statement. He nodded on the continuous sermon sabay sulyap nang sandali kay Ate Ariana.

My father is a man of principles. Punong-puno rin siya ng paninindigan. Kung ano ang paniniwala niya, iyon ang masusunod.

Walang nagawa ang ate ko kundi umirap. My mother held her hand and lightly massaged it. Kinagulat iyon ng kapatid ko. Both of them were silent, minamasahe lang ni Mama ang kamay niya.

Binabagabag pa rin ang pag-iisip ko. I was so nervous that the news about us would spread like wildfire. That's what commonly happens on our school kaya hindi rin malabong mangyari sa amin iyon.

"Sir, kasalanan ko." Maxon said with full confidence. Kalmado lang siya at parang handa lang tanggapin ang parusa. "Sinama ko lang talaga siyang lumaboy dito."

"Ikaw 'yung sa section 1 'di ba?" the officer referred to me. "Alam mo ba na pwedeng makaapekto sa 'yo 'to? Ano bang ginagawa n'yo roon ha? Ang dilim-dilim–"

"Sir, wala ho kaming ginagawang masama." sabat ni Maxon na may halong inis sa tono. "Kung ano'ng parusang gusto n'yong ibigay, pupunan ko 'yon sa mga natitirang Sabado."

I bit my lower lip. Ni hindi ko magawang damayan siya sa pag-ako ng kasalanan. I was afraid that this might cost my standing in class and the whole batch.

"Sino ka para utusan ako?" he scoffed.

"Earvin..." ani Maxon sa nagbabantang tono. Mas mahinahon nga lang kumpara sa kanina.

Sumulyap sa akin ang lalaki. "Oh? Tanggal ang yabang mo ngayon, Sandoval."

Iyon ang naging eksena. I don't know how Maxon dealt with him but I peacefully came back to my room. All I know is that Earvin will shut up about it.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon