31

57 3 0
                                    

Chapter 31
Survivor


There goes this saying that always haunted me as a child. They say non-academically inclined students would be more likely to succeed in life than academically-inclined learners. If you were expecting an inspiring success story from an achiever, trying to prove the saying wrong...

Well, sorry to disappoint you. Hindi ito 'yon.

When I was in college, I learned that indeed there are people who are better than you. Palaging may mas magaling at mas matalino. Hindi lahat kaya ng kakayahan mo and that's okay. Being ordinary isn't bad. Learning to adapt to different changes and circumstances could already be enough. Natutunan ko na hindi pala ang mga numero sa card ang magdidikta ng hinaharap mo.

I didn't get my latin honor. Dahil sa mga pangyayari sa buhay ko, nahirapan ako pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Sa huling semester ko sa kolehiyo, nanganib ang grades ko.

"A licensed professional teacher tapos psychometrician din." Sinulat ni Mikee 'yon sa tissue. Marahas niyang nilapag 'yon sa study table ko. "Seriously, Alice. Give yourself some credit! Feeling mo talaga hindi ka pa successful niyan?"

"Mikee gusto ko mag-aral." Biglaan kong sabi. "Mag Masters ba ako? O kaya try ako ibang course?" ngumuso ako.

"Alice... Alam mo namang susuportahan kita sa lahat. But hey, baka nalilimutan mo? Nag-aaral pa si Kristoff." Kumaway siya sa mukha ko.

"Oo nga pala." I laughed sarcastically. Tinungga ko ng diretso ang alak sa shot glass.

I never understood why some people romanticize poverty. Na kesyo masaya naman kahit mahirap, na kesyo okay lang maging mahirap dahil kumpleto naman ang pamilya. It's like the whole world shoving to our faces na okay lang ang existing struggles na 'to.

I've experienced both worlds, being rich and stuck in the middle class. If I could turn back time, I wish I enjoyed my time sleeping in the mansion. 'Yung tipong hindi ako mag-aalala sa gastusin o school ko dahil nandiyan naman si Mama at Papa. Back then I was busy pressuring myself in my studies to the point that I almost lost my sanity. Kung alam ko lang na hindi pala pinagtutuunan ng pansin ang lintik na achievements na 'yan sa totoong mundo, sana hindi ako nagpakapagod ng sobra.

I'm just in my mid twenties. Underpaid and overworked. I feel so fucking tired!

Hindi nakakatuwa na sa 'yo lang umaasa ang lahat! Nakakapagod magtrabaho at isipin kung may maiibibigay ka ba sa pamilya mo sa susunod na buwan. Kung may perang pang pagkain ba kayo bukas. Swerte na lang ako dahil itong bahay amin talaga at hindi ko kailangan hulug-hulugan.

Nakakapagod kapag halos dumaplis na lang sa palad mo ang pera. Mahirap maging mahirap.

Adrian Andralez:
Goodnight Alice, I hope sending that letter gives you peace.

My eyes widened in fraction. Napabalikwas ako sa kama dahil sa nabasa. Isang nakabibinging tili ang pinakawalan ko. Nagtakip si Mikee ng unan sa kanyang tainga para hindi ko siya magising.

"Mikee naiiyak ako gumising ka!!!" Niyugyog ko siya nang paulit-ulit. "Mikee! What did I do last night?! Ano 'yung tungkol sa letter?! Wala akong maalala!"

"Ayan gaga ka." Mikee groaned. She rose from my bed. Nagpunas pa ng muta. "Kung alam ni Tita Klara pinaggagawa mo kagabi, baka bumangon 'yon mula sa hukay."

"Oh my gosh! Did I really send it? Hala baka isipin niya mahal na mahal ko pa rin siya!" Sumubsob ako sa unan saka paulit-ulit na sumigaw.

"Hindi nga ba?" Nanunudyong tanong niya. "Teh, ilang beses kita sinabihan kagabi. Kahit si Ian, nakailang ulit sa 'yo kung gusto mo talaga ipadala 'yong sulat. Si Zed din nagtatanong. Si Elmo lang yata ang walang hiyang sumuporta sa 'yo."

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon