25

126 14 23
                                    

Chapter 25
A Future with You

♥️:
Slr bb ano yon?

I didn't reply to his texts and answer his phone calls. I turned off my phone because I wasn't in the mood to talk to him. It may sound petty, but it's just I don't like to talk for a while.

I understand that you cannot please everyone... But it's just I thought they could still respect me. Hindi naman tago ang relasyon namin ni Maxon, aware naman silang lahat na kami pa rin.

I looked at my busy mother in the dining area. Her forehead was creased while typing on her laptop.

"Ma, mukha ka nang stressed." I commented, I went to the kitchen and made her some coffee.

"Thank you," She gave me a small smile when I placed the coffee in front of her. Sabay din kaming nagkatinginan nang marinig namin ang door bell. "Manang pakitingin naman kung sino 'yon." Mama said.

"Alice, si Maxon!" she yelled from the outside. Pumasok din siya agad at pabulong-bulong pa. "Diyos kong mga batang 'to, gabi na at—hay."

"Nag-away ba kayo?" Mama asked in confusion. Hindi ko na siya sinagot at pumunta na agad ako sa labas.

"Why are you here?" I asked him in a sarcastic tone. Nakapamaywang pa 'ko habang siya naman ay nakatingin sa 'kin na parang nagmamakaawang tuta. "Dito na lang tayo mag-usap, ayoko sa loob." I dragged a monoblock chair.

"Hindi ka sumasagot ng tawag, nag-aalala ako. Galit ka ba? Ano ginawa ko?" His eyes were full of guilt, nakonsensya agad ako. "I don't like silent treatments, Alice. Please..."

I looked away so that I couldn't see his eyes. Alam ko agad na bibigay ako at papatawarin siya kahit 'di pa siya nagso-sorry.

"Yes. And I still don't want to talk to you but, since nandito ka na. May magagawa pa ba 'ko?" I rolled my eyes to remind myself of my irritation towards him.

"Hindi ko agad nakita 'yung message mo. Biglaan din kasi 'yung lakad na 'yon sa Batangas. Pinilit pa nga 'ko nina Mom doon kahit ayoko." He reached for my hand. "I'm sorry babawi ako, please?"

Hindi ko pa rin siya nililingon. Nakakaramdam pa rin ako ng tampo. Did he see the comment of his dad? Pero hindi ko rin naman kasi kayang magtaas ng pride nang matagal.

Inilapit niya pa lalo ang upuan niya sa akin. He reached for my hand again and played with my fingers. Hindi pa rin ako umiimik at hinayaan lang siya.

"Ano nasa isip mo?"

"'Yung comment ng dad mo..." I frowned, it still affects me. Iba kasi siguro 'yung pakiramdam na kampante kang tanggap ka ng pamilya ng partner mo.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, he made me face him. "Nabasa mo pa pala 'yon... Pina-delete ko agad no'ng nabasa ko. Nag-away pa nga kami e." He sighed.

"H-huh?" I acted as if I didn't hear it clearly. I suddenly felt guilty.

"Wala" the side of his lips rose as he caressed my hands. "Ay, sabi nga pala ni Mom dalhin naman daw kita minsan sa 'min. 'Yung boyfriend kasi ni Ate Eve laging nandoon nauumay na siguro siya."

I smiled a bit, at least his mom likes me. Pwede na rin.

Pinauwi ko na rin siya pagkatapos namin mag-usap. It's already night time, may pasok pa siya kinabukasan. Napansin ko rin na pasilip-silip sa 'min si Manang. Nagkunwari na lang ako na hindi ko siya nakita. At saka, ayaw ko naman na ma-late pa si Maxon ng uwi. Sinabi niya rin sa akin na susunduin niya raw ako bukas dahil babawi siya.

"Hi Bea-babe!" bungad niya agad pagkapasok ko ng sasakyan niya. Nagulat ako nang makita na may bouquet of roses pa siyang dala. Hindi naman namin monthsary, at lalong di naman namin anniversary. "Flowers, dahil scholar na ang bebe ko."

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon