Chapter 40
White LiesPinagmasdan ko ang kagandahan ng El Nido. This was once one of my dream destinations. Hindi ko inakalang darating ang araw na makakaapak ang paa ko rito. The blue sea was calm as well as the blue skies. Ang sabi nila mamaya raw ay magka-kayaking kami kapag narating na namin ang isa pang isla.
I might sound exaggerating because I once could afford random trips when I still lived in a mansion; but now, I appreciate it more. Perhaps, it's because I know how much it costs and I'm privileged to be here for free.
"Siguro no'ng high school ka ligawin ka ano?" tanong ni Ate Cassie, isa siya sa mga kasama namin sa Party boat. She's a few years older than me. Nakasuot siya ng yellow two-piece swimsuit at shorts. Blonde hair and tanned skin dahil traveler pala silang mag-asawa.
Nakaupo kami ngayon sa upper deck ng bangka habang nag-iihaw naman ang asawa niyang foreigner na si Kenth sa baba kasama ng iilang kaibigan.
"Hindi po, sobrang nene pa ng itsura ko noon e. Literal na mukhang bata." tanggi ko agad, naiilang ako pag-usapan ang tungkol doon dahil katabi ko pa ngayon si Maxon.
"Huwag ka nang mag 'po' hindi naman nagkakalayo ang edad natin." she joked. "E noong college? Siguro kapag Valentine's ikaw 'yong inuulan ng sulat 'yong locker gano'n."
"Hindi rin," I shook my head and laughed.
"With that looks? Hindi pa rin? Bakit?" she looked surprised, itinuro niya ang mukha ko gamit ang palad. She drank the beer in her cup.
"May boyfriend kasi ako noon e, kaya hindi ako naging lapitin ng lalaki. Ang alam nila, taken ako." I chuckled, remembering those days was awkward! Wala atang nagme-message sa akin noon dahil kahit ang Instagram at Facebook ko ay may bakas ni Maxon.
"Ah, binakuran," ngumisi siya. "Siguro gwapo rin boyfriend mo noon 'no?"
"Gwapo?" I gulped and threw a glance at Maxon beside me who's patiently waiting for my answer.
Ang shades niya ay nakasukbit sa manipis na puting polo na nakabukas ang tatlong butones. Ngumingisi siya sa pinatutunguhan ng usapan namin, he's obviously enjoying it. Lumabas pa ang dimples niya.
Oo Ate Cass, sobrang gwapo.
Patago akong ngumiti sa naisip. I bit the insides of my cheeks to stop myself from curling the side of my lips. Para akong tangang kinilig sa naisip.
Alice, behave. Magtigil ka.
"Tinatanong ka, gwapo raw ba 'yong ex mo?" siniko ako ni Maxon kaya ako natauhan. Ang yabang, gusto lang talaga marinig ang sagot ko.
"Hmm, may itsura. He's not that bad." I said with an inverted smile. I'm not going to give you the satisfaction. Akala mo huh?
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Nakakamay lang ako kaya bahagya akong lumayo sa kanya dahil baka matabig niya ako sa likot niyang 'yan. I heard him laugh sarcastically.
"May itsura raw," he echoed with full sarcasm. Nakita ko pa ang pag-irap niya habang may kung ano pang binubulong.
Haha! Pikon.
"Single naman kayo 'di ba? Bakit 'di na lang kayo? Bagay naman kayo nito oh?" Ate Cassie teased us, tinuro niya pa si Maxon sa akin na akala mo ay nirereto.
Maxon ran his fingers through his hair, umayos siya ng upo at mas dumikit sa tabi ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng balikat niya sa balat ko. Siniksik pa talaga ako!
"Oo nga, Alice? Kung maging tayo na lang kaya?" he playfully smiled at me and arched a brow. He wetted his lips, still waiting for my answer. Ang mapaglaro niyang tingin ang siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

BINABASA MO ANG
When Heaven Smiled
Ficção GeralEl Cielo Series #1 ✔️ There are things in life that you don't easily forget. Some of their memories will still stay even though years passed. But most of them, are better to remain in the past. It's been a long time since Alice remembered that she w...