EPILOGUE II

183 14 53
                                    

Tears pooled at the corners of my eyes as I stared at the ring that I was supposed to give her on her med school graduation day. Binili ko ito no'ng fourth-anniversary namin.

Planado na lahat e... Nakaplano na 'yong future naming dalawa.

Sabi niya, two years after med school magpapakasal na kami. Alam kong matagal pa 'yon at marami pang pwedeng mangyari. Pero sigurado na ako sa kanya e.

Lagi ko namang hinihintay kung kailan siya ready.

Hindi ko nakikita ang sarili ko na may kasamang iba. I want to spend the rest of my life with her.

At ngayon hindi na pwede. Iniwan ko na siya e. Pinakawalan ko na. At ang sakit. Sobrang sakit.

"Pre, hindi mo ba talaga siya pupuntahan? Huling lamay na ng mama niya..." bakas ang pagkadismaya sa boses ni Zed.

I swallowed hard. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone.

Naninikip ang dibdib ko dahil ngayon lang nag-sink in sa akin 'yong balita. Wala na si Tita Klara...

Wala na ang mama namin.

Noong araw na iniwan ko siya, nawalan din siya ng ina. Hindi ko lubos maisip kung gaano siya nasasaktan sa mga pinagdadaanan niya ngayon. Hindi pa naman sila okay ng tatay niya.

"Hindi na pre, baka lalong hindi ko kayanin." pinunasan ko ang luha na tumulo na rin sa phone ko.

"Sige, sabihin mo lang kung balak mo pumunta ah? Pupunta kami sa libing bukas. Sunduin ka namin kung sakali." 'yon ang sinabi niya bago ibaba ang tawag.

Nawalan ako ng gana sa lahat. Hindi ako makakakain ng ayos tapos kulang-kulang ang tulog ko. Mag-iisang linggo na akong ganito. Wala akong ibang ginawa kundi mag-isip nang mag-isip. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako napapagod mag-isip. Pakiramdam ko kahit nakapikit ako kung saan-saan makakarating utak ko.

Tambak na ako ng gawain sa school at baka mag summer class pa ako dahil mukhang hindi talaga ako makakagraduate. Hindi ko na alam.

Bahala na.

Tinanong ko lang kina Zed at Elmo kung saang sementeryo ba ililibing si Tita Klara. Hindi na ako sumabay sa kanila dahil wala akong balak magpakita kay Alice. Ayoko magkaroon ng pagkakataon na makausap pa siya.

Kasi alam kong manghihina ako at magmamakaawa akong tanggapin niya pa ako. Hindi ngayon 'yong tamang oras para roon.

The melancholic music matched the pain I was feeling. Pinanood ko mula sa malayo kung paano tinabunan ng lupa ang kabaong ni Tita Klara. Alice was just sitting on the corner while she's on Kristoff's hold.

Wala akong ibang maramdaman kundi pagsisisi at panghihinayang.

Pagsisisi dahil hindi ko man lang siya madamayan ngayon, sa maling oras at pagkakataon ko siya iniwan.

Panghihinayang dahil hindi ko man lang natupad 'yong mga pangako ko sa kanila.

Kumirot na naman ang puso ko. My Bea is fighting these battles alone. Maaring nandiyan ang mga kaibigan niya para umalalay, pero hindi naman sila ang papasan ng bigat e.

Gusto ko siyang samahan, gusto ko siyang damayan. Pero hindi pwede kasi parang paparusahan ko lang siya lalo kapag ginawa ko iyon.

How can she share the burden with me if I'm also a burden to her?

Umalis ako nang makitang nagdidilim na ang langit. Wala akong dalang payong, mababasa ako ng ulan kung sakali. Wala akong masisilungan, hindi akong pwedeng magkasakit kasi ako lang din ang mag-aalaga sa sarili ko.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon