21

117 13 13
                                    

Chapter 21
Dreams


♥️:
Babyyyy may chika ako

Ako:
???

♥️:
Naisip ko lang, diba may pinatay akong ipis kanina?

Ako:
Then?

♥️:
Paano kung nag-iintay pala na pamilya sa kanya?

Kawawa naman :<

Nalukot ang mukha ko sa message niya. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o totoong random thought 'to? It's twelve midnight. Mukhang kulang na sa tulog ang isang 'to! Kung ano-anong tumatakbo sa isip.

Ako:
Mas kawawa ka kung wala kang maisasagot bukas. Goodnight!

I rolled my eyes when I saw those three dots beside his icon. Alam kong kulang ang message ko. I typed once again so he could peacefully sleep.

Ako:
I love you.

Sinadya kong patayin ang wifi ng phone ko para wala nang ma-receive na message. Nag do not disturb pa ako para hindi niya matawagan.

Ganyan ang takbo ng usapan naming dalawa kapag walang topic. I observed that it was his way of checking on me.

I decided to go to Papa's study to ask permission. Ngayon daw kasi ang gig ni Maxon, biglaan lang din kaya hindi ako nakapagsabi kay Mama. Hindi rin siya nag re-reply sa texts ko kaya para sigurado, kay Papa na lang.

I knocked on his door then I slowly twisted the doorknob. "Papa—"

"Thank you, Andy." A woman in corporate attire said. She smiled at my father in a different way. Lumingon siya at saktong nakita niya ako, her facial expression changed. "Hi, so you're his daughter?"

Awkward naman. There's a big family portrait of us downstairs, alangan namang hindi pa niya alam.

I just nodded and walked closer to Papa's desk. Alanganin na rin kasi ang oras kaya ayaw ko na mag-aksaya pa.

"Pa, I'm going to watch Maxon's gig tonight. Is it okay?"

"Sure, pero umuwi agad pagkatapos. Dapat bago mag 8:30 nandito ka na sa bahay. Ako ang mapapagalitan ng Mama mo."

His phone suddenly rang. Nagpasalamat ako sa kanya, nauna na ako roon sa babae na for some reason kanina pa siya nakatayo lang doon.

"Yes, Hon? Okay. Susunduin kita maya-maya. Love you." Papa said in a sweet tone.

He must be talking to Mama, mukhang gagabihin din sila ng uwi so I decided to leave already para maunahan ko sila ng uwi mamaya.

I ordered pasta with shrimp and iced tea. Sina Maxon na kasi agad ang mag pe-perform that's why I told him that I can handle myself and he could go with his bandmates. I just listened to them while they were playing. They played "Fall for You" by Secondhand Serenade.

I suddenly came to a thought. Are we still like this for the next five years? Or even ten? Mapanood ko pa kaya siya ng ganito? Kami pa kaya no'n?

Parang ang saya kasi isipin na siya natugtog pa rin, tas after ng gig o baka concert na nila... Uuwi kami pareho sa bahay namin. Tapos kapag normal day, susunduin niya ako kapag may duty ako sa hospital then after that we'll go to a date.

But I must admit that these thoughts sometimes scare me. Constant change scares me.

I don't like it when things do not go the way I wanted them to be. I tend to be afraid of change, kung ano naka plano dapat 'yun ang mangyari.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon