Chapter 26
Let them beMula sa glass door ng restaurant ay nakita ko na agad kung gaano karaming tao ang naroon, lahat iyon ay mga kamag-anak at kaibigan nila Maxon. They were greeting each other as if they haven't met for a long time. May mga batang akmang magmamano kay Tita Evelyn but she shook her head while laughing. She used her index finger to point her cheek. Tumango ang tatlong bata na naiintindihan ang nais niyang sabihin at bumeso sa kanya.
Maxon held my hand tight when he pushed the glass door. Maybe he felt my nervousness because my palms were sweating. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magtinginan sa amin ang ilan sa kanila. Those families and friends are definitely wealthy. Ang ilan nga sa mga bata roon ay may hawak ng sarili nilang mga gadget para lang yata mapirmi.
Tita Evelyn's smile grew wider when she saw me. Tumayo siya mula sa kinauupuan para lamang salubugin ako. It warmed my heart.
"Alice, you came!" She gladly walked towards me. Bumeso siya sa akin. "Maxon said that you were busy in school, buti naman nakarating ka."
"Happy birthday po, Tita. Pasensya na po kung hindi ako nakabili ng regalo."
"Ano ka ba, it's fine." She held my hand and caressed it. "Tara, doon na tayo sa table namin." She pulled me towards their table because she said that's where I should be seated.
"Hi po, good afternoon po." I greeted them.
Ate Eve gladly waved at me as well as Kuya Marco. Tumango lang si Kuya Marshall sa akin at pasimpleng kumaway. Their dad acknowledged my presence by giving me a forced smile.
Sa isang twelve seater na table ang pwesto ng Sandoval family, pati na rin ang pamilya ni Trixie. Siyempre ay magkakatapat din sila. Nasa pinakaunahan si Tita Evelyn, habang nasa kanan niya nakaupo ang pamilya niya. Pamilya naman ni Trixie ang nasa kaliwa kaya nakakapag-usap sila ng maayos.
Pero siyempre lagi naman nasa stage ang celebrant habang program. Kaya naiwan ako roon kasama sila.
"Sali tayo sa games mamaya," Maxon whispered in my ear.
"Huh?"
"May cash prize babe, 'wag ka na tumanggi sa grasya. Wala na tayong pera remember?" bulong niya ng mas mahina.
I fought the urge to laugh because we're with his family. I just nodded instead.
"Sige susuportahan kita riyan." tinapik ko pa ang balikat niya at tumango-tango naman siya. Masaya na napaburan ko siya sa trip niya sa buhay.
Para siyang batang tuwang-tuwa nang magsimula na ang games. Siya rin kasi ang hinahatak ng mga nakababata niyang pinsan para samahan sila maglaro roon. Aliw na aliw siya nang mahulaan kung saan ba nakalagay 'yung one thousand peso bill sa cup.
Inasar tuloy siya ng mga kapatid niya at kaedad niyang pinsan dahil masyado raw competitive.
I was smiling while watching him waiting for the next game. But I suddenly snapped back to reality when the host came in front of me.
"Ay ito si Ate oh, ganda. Kanina pa nakangiti." he complimented and I blinked twice. "What's your name?"
"Alice," I replied, still a bit confused. Buti 'di ako pinatayo.
"Tanungin mo bakla kung single." his co-host said. Umiling agad ako at ngumiti. "Ay taray! Sana all." both of them grinned.
I realized that it was an icebreaker. Masyado ata akong tulala kanina ah?
"So here's the question, what is Evelyn's favorite color?" itinapat sa 'kin ng host ang microphone.
I didn't know the answer so I just said the first thing that came into my mind.

BINABASA MO ANG
When Heaven Smiled
General FictionEl Cielo Series #1 ✔️ There are things in life that you don't easily forget. Some of their memories will still stay even though years passed. But most of them, are better to remain in the past. It's been a long time since Alice remembered that she w...