Chapter 11
Forbidden fruit"Uy, Alice. Marami pang gagawin!" Therese's irritating voice brought me back to reality.
Inipon ko ang mga ID para ibigay sa mga campers. My mind was clouded by the thought that Maxon's here in front of me.
"Thanks, Alice." aniya nang ibigay ko ang ID.
"Hala magkakilala kayo?" Amanda seemed to be shocked about the information. Mukhang nabighani siya ng lalaki sa paraan ng kanyang pagtingin.
"She's my..." Maxon trailed off as if looking for the right term.
"Classmate." I finished off his sentence. He seemed to cooperate with me when he nodded.
The weight of the pressure became twice as heavy. Lalo pa ngayong nandito siya. Pakiramdam ko ay may sisipat sa mga pagkakamali na maaari kong gawin.
I continued to entertain newcomers. Masama na yata ako noong hiniling kong sana hindi ganoon karami ang dumating. Masakit na ang kamay ko kakasulat sa ID. Dagdag mo pa na naggugupit din kami ng maliliit na sticker paper na iba't ibang kulay ng teams na kailangan sa food stub.
"Hala, mali ang ginawa n'yo." Lumapit sa table namin si Ate Kiran. Dismayado niyang tiningnan ang mga ID. Kinuha niya ito at pinakita sa amin. "'Yung space na puti diyan sa gitna ay para sa color ng teams. Hindi sa names. Sa taas ang names."
Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Nasayang ang pinaghirapan namin doon.
"Pero hindi naman po nilinaw ni Pastor... Nakita niya na kanina ang sample." I scratched the back of my head. Slightly, I was annoyed to hear that. Kanina pa kami rito at nakarami na.
Dahil sa pagbabaka sakali ay inilapit niya kay Pastor ang concern. At nakakadismaya man, nag-sorry siya sa amin at pinaulit.
"Hay naku, sundin n'yo na lang." Ate Kiran tapped my shoulder.
We didn't eat lunch 'cause we were busy on the damage control. Tinapalan na lang namin ng masking tape ang gitna para matakpan ang psngalan at saka ito ginupit. Lima kami at medyo motivated kaya napabilis ang gawa.
Nagsimula na silang mag-orientation sa campers. Our pastor introduced us, kami ang hahanapin kung sakaling may kailangan sila. Iwas na iwas ang mga mata ko kay Maxon. I was afraid that we would accidentally interact like how we interacted at school... dati.
Bumalik ako sa table ng registration para tumulong sa pagsasalansan ng files. Nasa amin din ang treasury kaya nakakatakot. Our job is vital. Pera ang tinutukoy.
Masinop kong binilang ang food stub. May code din kasi kung para sa breakfast, lunch, at dinner.
"Tig lima na ba 'yan?" tanong ni Sis Romina.
Tumango ako sa kanya. Binilang ko bawat set ng food stub wala namang kulang.
Nakapunta na ang campers sa kani-kanilang cabin, samantalang kami ay hindi pa nakakakain. I stretched my arms and moved my head from side to side. I yawned. My stomach rumbled but I was too sleepy to even bother.
Umidlip muna ako habang hinihintay sila sa pagbibilang ng pera. Sinandal ko ang mukha sa braso at saka pinahinga ang ulo sa mesa.
"Alice, tara na. Punta tayo na sa cabin." marahang niyugyog ni Amanda ang aking balikat makalipas ang ilang minuto.
Hindi pa naman malalim ang tulog ko kaya bumangon agad ako. I ran my fingers through my hair. Aamba na sana akong aalis nang makita kong may pagkain sa tapat ko.
"Uy kanino 'to?" I pointed at the paper bag. Mc. Donalds pa 'yon. "Maiiwan oh."
"Ay para sa 'yo 'yan! Iniwan ng classmate mo." Therese answered. Kinuha na niya ang kanyang backpack.
BINABASA MO ANG
When Heaven Smiled
General FictionEl Cielo Series #1 ✔️ There are things in life that you don't easily forget. Some of their memories will still stay even though years passed. But most of them, are better to remain in the past. It's been a long time since Alice remembered that she w...