Trigger Warning: Mention of death.
Chapter 03
FakeBinuksan ni Maxon ang payong ko para gawing pangharang. Hindi plastic ang kurtina ng tricycle na nasakyan namin. Pareho na kaming mukhang basang sisiw habang tuloy-tuloy na pinapasok ang trike ng tubig. The wind howled loudly. Tila ba galit ito at nagsasalita.
"You better shower when you get home," it's my instinct who said that. He merely looked at me since he was too occupied with my umbrella. "You might get sick... or you'll stink."
"Concerned huh?" His tone was filled with amusement and sarcasm.
"Sige bahala kang mamatay." I sweetly smiled before rolling my eyes.
"Bakit ba lagi ang init ng ulo mo sa 'kin? Alam mo ang bait mo sa lahat pero 'pag dating sa akin? No comment."
Bakit nga ba ayaw ko sa kanya? Well I can make a list of it. Ayaw ko ng mayabang, entitled, at 'yong masyadong mapapel. It's not that I hate him. I dislike him. Magkaiba 'yon!
"Tingin mo hindi ako maiirita? You introduced me as your girlfriend! Ni hindi ko nga masikmurang makasama ka."
"I'll take it back when we get home. Pwede na?" mahinahong tanong niya.
Girlfriend? I still can't imagine it. Ito ang pinaka ayaw ko e, dahil famous siya makikilala ako ng tao bilang girlfriend niya. People will conclude things.
I am my own. I don't belong to anyone.
"Just make sure na hindi makakarating sa iba 'yan." matalim ko siyang tiningnan.
But do I really own myself?
Out of the abundance of the heart the mouth speaketh.
As the soft music was playing, I prayed for my apologies. Nakaluhod ako sa stage kasama ng iba pang miyembro na nagdadasal. Nakatukod ang kamay ko sa sahig bilang suporta.
For sure some of them are praying for His guidance. Some of them are thanking Him for the blessings He hath given them. While others are asking for forgiveness just like me.
Noong mga nakaraang araw ay hinayaan kong maligaw ang isip ko kung saan-saan. I even cussed. Bagay na hindi ko ginagawa kahit sa isip ko. Normal naman ang magalit. Pero hindi dapat tayo umaabot sa puntong nakakapanakit ng kapwa.
"Lord, hindi ko na po uulitin. Mag-so-sorry ako sa kanya." I whispered to myself. Guilt crept into my system while thinking of Maxon. Na-offend kaya siya noong minura ko siya?
Pagkatapos no'n ay nagsalita na si Pastor. He prayed in general. Hiniling niya sa Panginoon na tuluyang tumanggap kay Kristo ang mga naging bisita. Nanalangin din siya para sa aming kabataan na gusto pa maging committed sa service.
Pagkatapos ng morning service ay nagpaiwan kami para sa practice ng choir. This is why my weekdays and weekends are always occupied. Hindi naman ako nagrereklamo. My heart is always full every time I serve.
"Alice, kasama ka ng mga soprano." saad ng Music leader namin. Pinatayo niya ako katabi ni Amanda at Therese.
Halos nakayuko na ako nang tingnan ang wristwatch. Alas dos na at mamaya may evening service pa. Kapag late ako nakauwi, late ko magagawa 'yung dalawang activity ko sa English. I will resort to procrastination.
BINABASA MO ANG
When Heaven Smiled
General FictionEl Cielo Series #1 ✔️ There are things in life that you don't easily forget. Some of their memories will still stay even though years passed. But most of them, are better to remain in the past. It's been a long time since Alice remembered that she w...