39

105 14 38
                                    

Chapter 39
First Love


Pag-uwi namin ay nagkulong muna ako sa kwarto. Hindi ko rin muna ginulo si Maxon dahil sabi niya ay magpapahinga muna siya dahil may masakit sa ulo niya.

Nahihiya ako sa ginawa kong pag-tantrums. Hindi dapat ako nag-walk out. I'm aware that it's part of my shortcomings and I wanted to change it.

I should learn how to control my emotions next time. I dislike it when I can't handle them, especially when it comes to anger. I don't know how to talk about it properly. I always have a hard time when it comes to defending myself. Pinapatili kong nakatikom ang bibig ko hanggang sa matapos silang lahat sa pagbitaw ng masasakit na salita. I always end up crying when I'm treated poorly, at wala akong ginagawa para ipaglaban ang sarili ko.

Para akong tanga na iniisip si Papa. I hope he recovers quickly. Sana gumaling na siya para hindi na ako nakokonsensya ng ganito. Para wala nang gagambala sa isip ko.

I took the opportunity to walk outside to buy some food for dinner. Pumunta ako sa malapit na karenderya para pumili ng makakakain. Nahirapan pa ako pumili kung bistek ba o kare-kare, pero dahil nagsimula na umambon ay kare-kare na ang pinili ko. The strange thing about the rain here is that it chases you. Ewan ko kung ako lang nakapansin no'n. Nagmadali ako maglakad dahil baka maambunan pa ako.

"Maxon, bumili na ako ng pagkain. Nakahain na sa baba." kumatok ako sa pinto niya.

When I didn't get a response, I slowly twisted the knob. Namataan ko siya roon na nakahiga sa kama niya habang nakatitig sa phone. He was watching a video of a child running. Nagtagal ako sa pinto sandali dahil pinanood ko lang siya.

"Ely, say hi!" Trixie's voice echoed. It's like they're having a picnic date together. Ang bata ay hawak-hawak ni Maxon sa kamay at inaalalayang maglakad.

"Look at Mama." Maxon pointed at the camera, the child followed him and looked at the camera. He giggled.

Hindi niya pa rin namamalayan ang presensya ko. Nagtagal ako sa may pinto at nakinood rin sa video. They looked like a happy family. Napapangiti rin ako nang 'di ko napapansin habang naririnig ang mga tawa nila mula sa video.

And it left me with one question. Nasaan na ang anak niya?

Nang nakita ko ang paggalaw niya ay nataranta ako at umayos ako ng pagkakatayo. Nagpunas siya ng mukha at umupo sa dulo ng kama niya. Lumingon siya sa akin na para bang nagtataka sa ginagawa ko.

My eyes widened as if I was caught doing something wrong. Wait, wrong naman pala talaga. He just caught me eavesdropping! How could I make up for this?

Aalis na sana ako kaya lang ay may natabig akong gamit na nakapatong sa drawer na katabi ng pinto. Dinampot ko 'yon isa isa. My forehead creased when I saw that those were pain relievers. Gaano ba kasakit ang ulo niya?

"Kain na," I cleared my throat when I finally fixed myself. I gestured my hand at my back, saying that I'm going to leave but he spoke.

"Kailangan na natin umuwi bukas, may board meeting kami. Kailangan ako roon."

"Oh, okay." I nodded.

"Alice, tungkol doon sa kanina—" he looked concerned so I know where he's heading.

"I'm sorry, it won't happen again. Nakakahiya sa 'yo. It's just—it's completely wrong and immature." agap ko.

"No, it's not. Hindi sa ko gusto makialam ah, pero ayaw mo bang pag-usapan?" he was so careful choosing his words, para bang sinisigurado niyang walang maling salita ang lalabas sa bibig niya.

I stayed silent for a while, thinking if I'm going to talk about it or not. Parang makakagaan din kasi sa loob na pag-usapan.

"Hindi na, naayos ko naman na." I shook my head and turned my back.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon