16

103 13 6
                                    

Chapter 16
Real Feelings


I thought confessing your feelings to the person you like would be liberating. I thought I could just slowly walk away after telling him about it. Pero hindi pala ganoon kadali iyon. I was wrong. He didn't let me walk away.

"Ano? Teka... Ang gulo." Maxon still couldn't process what I said. Napakamot siya sa ulo niya.

"I said, is it too late to say that I like you?" inulit ko ang sinabi kanina. This is so embarrassing. Kailangan ba ulit-ulitin pa? "But it doesn't matter anyway. You have a girlfriend." I started walking away but he pulled my arm again.

"Sandali," He said, still not letting me go.

"Stop it! Ang paasa mo!" I burst into tears again. Tiningnan na naman ako ng mga mata niyang nakakatunaw. "Just let me be... please. Sinabi ko lang 'yung nararamdaman ko!"

"Hindi mo ba muna ako tatanungin?" Ihinarap niya ako sa kanya.

"What? Don't confuse me." I chuckled in pain.

"Wala akong girlfriend." He grinned when he wiped the tears on my face using his thumb. "Ang tagal kasi bago ako kin-crush back. Tsk." He playfully smiled at me.

"Bakit? Sino ba 'yun?" Ngumuso ako. Kung sino man siya ang swerte niya. Gusto siya ng gusto ko. Suminghot ako gawa ng pagtulo ng naiipon kong sipon.

"Ang manhid mo naman, e di siyempre ikaw." Inabutan niya ako ng panyo. "Huwag mo ipunin sa ilong mo 'yan." Natatawang sabi niya pa.

I rolled my eyes at him and took the handkerchief. Tinalikuran ko siya. It really feels awkward to blow my nose in front of him. Bwisit na luha kasi.

"Tara na, hatid na kita sa inyo." Inakbayan niya ako.

Hinayaan ko lang siya. Nanatili akong nakanguso at pinoproseso ang mga nangyari. Did he just say that he likes me too?

"I wrote a letter for you, hindi mo ba nabasa?" Masuyong tanong niya sa akin habang naglalakad kami. Sinasadya niyang bagalan ang pacing ng lakad dahil sa akin.

"I read it."

"Malinaw doon sa sulat ko kung sino ang gusto ko, Alice."

"E bakit hindi mo sinabi sa personal?" I stopped walking. Tiningala ko siya para matanaw. Kailangan kong ng kasagutan.

"Because I was working on myself to deserve you." Mahinahong sagot niya. "Baka kapag umamin ako agad, iba ang kahahantungan natin. You know me and my history with girls. I don't want to be defined by my past. I don't want you to doubt my intentions."

Hindi ako makapagsalita. He was doing that? Maxon Sandoval was doing that for me?

"Ayaw ko na isipin mong babaero at bulakbol lang ako. I don't want you to think that I'm only here to hinder the opportunities coming on your way." He lightly chuckled. "Ayaw ko na maramdaman mong panira ako ng mga plano mo—"

"Hindi ko naisip 'yan." My chest tightened. "Hindi ka panira sa mga plano ko."

I wasn't the only one who was affected by my own assumptions. Siya rin pala ay nag-iisip ng mga ganoong klaseng bagay.

He nodded slowly. "Kung sakaling papayagan mo akong manligaw sa 'yo, hindi ako magiging distraction. I want to take this slow as much as possible... Ayaw kong makadagdag sa mga iniisip mo."

"Hindi pa ba tayo mabagal sa lagay na 'to?" Naguguluhan kong tanong.

Pinakawalan ni Maxon ang kaninang tawa na pinipigilan. Umiling siya sabay tapon ng tingin sa akin.

"Grabe na pala 'tong crush kong 'to, ang aggressive!"

"Umaayos ka nga!" Hinampas ko ang braso niya sa inis. "Please be serious!"

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon