02

269 31 56
                                    

Chapter 02
Raindrops

Late na kami nakauwi dahil may meeting ang bawat club. Napagpasyahan naming kumain muna sa Jollibee. Hindi iyon kalayuan sa Fuentabella Institute. Nakisabay kami sa paglalakad ng mga estudyante kanina. Most of our schoolmates are here. It's the first Friday since class started. I bet we were all drained.

"Alice, ang gwapo ni kuya. Kaso ano—hindi ko mabasa ang nameplate." Lhaine whispered in my ear.

"I can't read his name." I squinted my eyes to look at the guy she's been talking about. Natatakpan kasi ito ng babae sa harap namin.

"Gen, I dare you. Kunin mo number ni kuya." Lhaine wiggled her brows. Siniko niya si Genesis para makuha ang kanyang atensyon.

"Lhaine, don't." mariing sita ko. "That seems uncomfortable kaya. Imagine kung sa ating babae gawin iyon. How would you feel?"

Hindi siya pinansin ni Genesis. She's been busy fiddling on her phone. I accidentally peeped on her phone earlier. Pahabaan sila ng paragraph ng kanyang kausap.

Lhaine pouted. She knows that none of us would do her dare. Nang umalis ang babae sa harap namin ay kinuha ni Genesis ang aming pera. She memorized our order, kilalang kilala niya talaga ako. She knew that I'd panic.

"One piece chicken joy with spaghetti, One piece burger steak, tapos one jolly hotdog with fries." diretsong ani Genesis. "Pati na rin po pala number mo kuya." she smoothly added.

Nagkatinginan kami ni Lalhaine. Gusto ko nang takpan ang bibig ni Genesis at hatakin siya papunta sa isang table. Hindi niya narinig ang sinabi namin kanina!

Umawang ang bibig ng lalaki. He was stunned by Gen's confidence. The guy looked more mature and older than us. Hindi matatangging gwapo siya dahil natipuhan siya ni Lhaine. My friend my have a bad taste in men but she knows how to spot handsome guys.

With our high school uniform, it is too obvious that we are still minors. Nahihiya ako isipin dahil asal bata nga talaga kami.

"'Yun lang po." Natauhan si Genesis sa sinabi. I saw her cheeks redden. Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Sandali lang naman iyon dahil naisalba niya agad ang sarili sa kahihiyan.

"Sa side na lang po, ma'am." the guy politely smiled. Binigay nito kay Gen ang resibo bago pinapunta sa isang gilid at nag-entertain ng iba.

Hanggang makarating kami sa table ay hindi tinantanan ni Lhaine si Gen. Instead of peacefully eating her jolly hotdog, she fixed her eyes on it. She's staring at it intently as if the sandwich was a menace of the society.

"Teh, gusto na lang kita samahan sa paglubog sa lupa." Lhaine consoled Genesis. Kanina pa niya tinatapik ang balikat.

Genesis took a bite from her sandwich. Inalis niya ang kamay ni Lhaine. She chewed her food, averting out gazes. There's no reaction from her. Ganiyan talaga siya kapag napapahiya.

"Hindi mo ba narinig si Alice?" mahinahong tanong ni Lhaine. She pursed her lips when she realized that it might be the wrong question.

"E 'di kung narinig ko, sana hindi ko na ginawa." inirapan kami ni Genesis. "Nakakahiya kay kuya. Nag-sorry na lang ako, halatang ilang siya e."

"Uhuh, naiilang pa ba 'yon? Binigyan ka pa libreng tuna pie." I shook my head.

My eyes wandered around. Parang nirentahan ng school namin ang fast food chain sa dami namin dito. Ganito siguro palagi ang eksena kapag Friday. Bihira lang naman ako payagan kaya hindi rin ako sigurado.

Nanatili ang mga mata ko sa isang grupo ng mga lalaki, ilang metro ang layo sa amin.Maxon and his friends huh? Date after club meeting. Tatlo silang magkakaibigan at may tatlo rin silang kasamang babae. Naghahagikhikan sila at nangunguna 'yong medyo payat na lalaki sa pagkukwento ng kung ano.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon