EPILOGUE I

190 10 72
                                    

Type ko siya.

'Yon ang alam ko.

"Cause every night I lie in bed, the brightest colors fill my head. A million dreams are keeping me awake..."

Nag intermission muna ang choir dahil may isang bisita ngayon sa school. Hindi ko naman siya kilala dahil wala akong pakialam. Basta ang alam ko, galing ibang school 'yon at pumunta rito para sa isang convention.

"Max, anong pangalan no'ng choir member na 'yon?" bulong ni Zed na tinuturo si Trixie.

"Hindi ko alam, huwag kang magulo." iritado kong sagot dahil busy ako tingnan kung sino 'yong babaeng tumutugtog ng piano.

Saka alam ko naman na didiskartehan lang niya si Trixie, kaya huwag na lang. Baka saktan niya lang ang kaibigan ko.

I crossed my arms over my chest while staring at her, hindi ko siya matingnan nang maayos dahil sa distansya namin. Tanging side profile niya lang ang nakikita ko.

Naka-half-ponytail ang buhok at may blue pang ribbon pang tali. Ibang-iba sa ayos ng mga choir member na naka-bun ang buhok. Parang hinatak lang siya para tumugtog, at wala talaga siyang alam sa gagawin. Or maybe, she knows but she wasn't confident enough.

Long-haired and fair skin, medyo natatakpan ang mukha niya ng buhok niyang nilipad ng hangin, nakatapat kasi roon ang aircon. Isang beses pang hinangin ang buhok niya at nakita kong nakasalamin pala siya.

She looked nervous as she played, parang giniginaw din. Hindi maipinta ang mukha niya at parang nanginginig pa ang mga daliri habang tumutugtog.

"Pre, sino 'yong pianist? Anong pangalan no'n?" tanong kay Elmo na nasa kaliwa ko.

"Hindi ko kilala pre, huwag kang magulo." parang gago niyang sagot sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, tumawa naman siya. Kung badtrip lang ako ngayon, binatukan ko 'tong si Elmo.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Hindi pa naman ako ganoon ka-interesado roon sa babae.

Type pa lang naman.

"Gago ka! Bakit mo hinatak 'yung fire alarm?!" I glared at Elmo, tumakbo na lang ako nang tumakbo dahil wala naman na akong magagawa. Hinihingal na ako at lahat ay hindi pa rin kami nakakalayo sa E-building.

Inangat naman niya agad 'yong pindutan kaya hindi rin tumunog nang matagal. Pero ang tanga tanga pa rin! Mayayari kami dahil sa kaniya e!

"E sabi n'yo gawin ko! Ang gugulo n'yo!" Depensa naman niya, si Zed naman ay walang magawa kung hindi tumawa. He always does that when things don't go according to plan.

Kaunti na lang ay pag-uuntugin ko na 'tong dalawang gagong 'to. Malapit na nila sagarin ang pasensya ko.

Sino ba kasing hindi maiinis? E inasar ko lang naman si Elmo na pindutin niya 'yung fire alarm. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya pala iyon!

Malay ko bang masunurin siya. Kaya nga joke e, joke time.

Nang medyo makalayo na kami ay pinagsabihan kami ni Zed na maglakad na lang kami ng normal para di kami mapaghalataan sa ginawa naming kasalanan. Umakyat pa kami sa second floor para lang hindi kami makita. Pero kahit naman di kami makita ngayon ay alam kong ma-ga-guidance pa rin kami.

"Amazing grace, how sweet the sound. That saved a wretch like me... I once was lost, but now I'm found. Was blind, but now I see."

Napatigil ako sa nang makarinig ako ng isang boses isang babae. Sumilip ako mula sa mezzanine at natantong nagpa-practice pala ang school choir sa auditorium.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon