34: Hope

14 3 0
                                    

Chapter 34

Ayaw mo ba bigyan ng chance si Yuan? Magisip ka ng mabuti.

Napaisip ako bigla dahil sa sinabi ni Margaux. Hindi ko naisip bigyan ng chance si Yuan dahil dito dahil alam ko sa sarili ko na wala talagang chance.

Naisip ko na ganoon ba talaga ang ibang tao? Sa sobrang takot ay gusto sa sigurado at hindi kayang sumugal para sa taong gusto nila?

Sa pagkakaalam ko kasi, ang nararamdaman ng isang tao ay isang sugal. Kahit kailan ay walang kasiguraduhan. Pero kung gusto mo ang isang tao, handa kang isugal ang nararamdaman mo kahit pa masaktan ka lang sa huli.

Sabi nga sa akin ng kaibigan ko, "hindi mo naman malalaman ang kahihinatnan kung hindi ka susugal. Atleast, you tried. And you won't regret anything because you tried your best and gave it a shot."

Matapos banggitin iyon ni Margaux ay nginitian ko lamang siya. Mabuti nalang at tinawag na agad kami para tapusin ang practice.

Nakakaloka talaga itong ganito, parang yung mga assignment ko ngayon na hindi ko maintindihan kung paano ko sasagutan ng matino.

"Ano ba naman kasi 'to. Gusto ko na makatapos pero ang hirap," daing ko habang ginugulo ang buhok. Naingudngod ko nalang din ang mukha ko sa mesa sa sobrang inis.

Napaigtad naman ako ng bigla kong maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko. Kinapa ko naman ang cellphone ko, nakatagilid at nakadukmo pa rin sa mesa.

Tinakpan ko ang camera at sinagot ang tawag, hindi tinitingnan ang caller. Inantay ko rin na ito ang maunang magsalita dahil ito naman ang tumawag.

"Hello?" My heart raced as his raspy handsome voice filled my ears.

It's really something, para bang sobrang pamilyar na ng boses niya na kilalang-kilala na ito ng puso ko kahit na hindi naman kami nagkakaroon ng chance na makapagusap kahit sa tawag.

I instantly found myself clicking the camera-off button to hide my not-so-presentable face. Huminga ako ng malalim, ilang ulit bago mapakalma ang sarili.

"Hi? Napatawag ka ata?" sagot ko naman, pilit itinatago ang kaunting kaba at kilig. My hands are a bit shaking but thankfully, I can manage it perfectly.

"Wala lang. I just suddenly became nervous because of the thoughts running in my head. Tapos ayon, ikaw agad yung naisipan kong tawagan," he said seriously.

"And why is that?" pigil-hininga kong tugon. O dapat ko bang sabihing pigil-kilig?

Narinig ko siyang nagpakawala ng buntomg-hininga bago sumagot. "I just craved for your presence I guess? I just hope you're here with me."

I smiled bitterly at his last statement. That's what I hope too, but it can't be that easy.

"Oo nga pala, I'm having some things to review here. Bigla nila akong sinali sa quiz bee laban sa ibang schools."

"Wow, that's nice. Good luck on that and I'm always proud of you," I said with a smile. I am always proud, because he's really exerting efforts in everything he does.

"Thanks for that." I smiled after hearing him chuckle.

"Looks like you're really in a good mood," pansin ko sa kaniya. I can really hear from his laughter how happy he is. And I'm good knowing he's happy.

"I really am. Thanks for answering the call."

"But hey, seems like you're upset? Or anxious?"

My eyes widened, ganoon ba talaga ako ka-halata? I made my voice a little bit cheerful but he still noticed huh?

"Stop pretending. I may not be able to be with you physically but trust me, I know you," he said in a matter-of-fact tone.

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon