Chapter 15
Bangag na bangag pa ako habang naglalakad papasok sa school. Pakiramdam ko ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga paulit ulit na bumabagabag sa isip ko.
Paano ko haharapin si Yuan na hindi naiilang?
Paano kung makasalubong ko siya tapos hindi normal ang kilos ko?
Paano kung bigla kaming asarin ng mga kaklase niya o ng mga kaklase ko?
Napamura nalang ako sa isip ko sa dami ng mga iniisip ko. Kung sports lang ang overthinking may gold medal na ako. Mahirap kapag first time mo sa ganitong mga bagay at hindi mo alam anong gagawin.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng school. Napahikab nalang ako at mas lalong nakaramdam ng antok. Dumiretso na ako sa gate pero bago pa man makapasok ay nakita ko ang nagtitinda ng taho kaya naman bumili muna ako. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na ako nakapagalmusal. Pantawid gutom ang taho at baka mabawasan ang pagiging lutang ko at mabuhayan man lang.
"Isa nga po yung tig-bente." Inabot ko ang bayad kay kuya na nagtitinda ng taho. Binigyan niya naman ako ng ngiti na sinuklian ko rin.
"Parang antok na antok ka pa ah? Puyat na puyat." Nagulat ako sa tinuran ni manong guard. Ganun ka halata?
"Ahh medyo napuyat lang po." Napapikit ako at napakamot sa aking sentido sa hiya na naramdaman. Sana naman hindi halata ang eyebags ko.
"Eto na oh salamat."
"Salamat din po." Tinanggap ko ang taho na binili ko pagkatapos ay hinigop. Haaaaay ang sarap talaga ng taho. Kahit paano din ay nainitan at nagkalaman ang sikmura ko.
"Ayos ka lang ba? Wala ka namang sakit?" Usisa ni manong guard sa akin.
"Wala naman po medyo nilalamig lang. Lamigin po kasi ako. Sige po mauna na ako." Dumiretso ako papasok at kumaway sa aming guard.
Kung ipinagtataka niyo kung bakit ganun ang napansin ng guard namin ay dahil ito sa suot ko. Normal naman na uniform ang suot ko. Nakapalda naman pero nakapatong na sa blouse ko ang jacket ko. Malamig kasi ang hangin o sadyang hindi lang maganda ang gising ko? Pakiramdam ko ay lalagnatin ako mamaya dahil sa sobrang puyat.
Dire-diretso akong umakyat sa hagdan papunta sa classroom namin. Marahan akong kumatok at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang kakaunting bilang ng estudyante sa loob.
"Good Morning." Binati ko ang mga kaklase ko sa loob ng classroom at inilapag ng bag ko sa silya.
"Good Morning!!!" Masiglang bati sa akin ng president namin. Napakasigla talaga nito kahit kailan hindi nauubusan ng energy eh.
"Uyy parang matamlay ka Krys. Ayos ka lang ba?" Mahihimigan ang pagaalala sa boses ni JV. Hinarap ko naman siya at tatango-tangong nginitian siya.
"Ayos lang ako puyat lang. Sila Reincelle nasaan?" Nilibot ng aking paningin ang buong silid pero hindi ko matagpuan ang lalaking tiyak na naglalaro lang ng ML.
"Ahh kanina pa dumating nasa mess hall sila ni Aaron."
"Sige akyat lang ako. Salamat JV." Tuluyan na akong umakyat para silipin ang mga kumag. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay makakasalubong ko si Yuan na kasama ang mga kaklase niya.
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart [COMPLETED]
Teen FictionKrysten Lagdameo is a typical senior high school student. She loves wattpad so much and a kpop fan as well. She treats the online world as an escape from the reality that she is tired of. She met a lot of true friends inside the virtual world. Will...