20:Voice Messages

39 10 0
                                    

Chapter 20


"Sino ba kasi si Matt sa buhay mo?"
Nanguusisang tanong ni Tin.







Tumayo na kami dahil tapos na kami. Naglalakad na kami ngayon deretso sa room. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman hindi ko na lamangi pinansin ang pang-aasar niya.





Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ang mga gamit na sa tingin ko ay kakailanganin. Hindi ko na lamang pinansin ang tanong ni Tin dahil hahaba pa ang usapan namin. Sakto namang pumasok ang sunod naming guro kaya naman itinuon ko nalang ang pansin ko sa harapan.





"Okay class, you may now take your lunch." Nagpaalam ang aming guro bitbit ang laptop niya. Ako naman ay kinuha na ang cellphone at lunch box ko para dumiretso na sa taas.






"Nasaan na sila Reincelle?" Tanong ko kay Ela. Lumipat ako sa kaniya at inilibot ko ang aking paningin sa malawak ngunit punong-punong silid-aralan.






"Baka nauna na sa taas. Tara na." Inakay kami ni Tin at sabay-sabay na kaming umakyat patungo sa mess hall.





Pagakrating sa mess hall ay agad naming namataan ang grupo nila Reincelle, mga naglalaro ng ML. Lahat sila ay pawang mga nakatutok sa cellphone na seryosong-seryoso ang mga mukha. Puro pangta-trashtalk ang naririnig ko kaya batid kong sila ay naglalaro nanaman. Palibhasa'y break time palang ay kinakain na nila ang baon nila para sa lunch.





Umupo na kami ni Tin sa kanilang mesa at inumpisahan na ang pagkain. Pareho kami ni tin na ang baon ay hotdog at itlog. Dati ay masasarap na ulam na lutong-bahay ang ipinababaon sa akin palibhasa'y malapit lang noon ang paaralan.





Matapos ang ilang subo ay dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Nakagawian ko na ang pagche-check ng messenger ko sa tuwing free time namin.






Nakita ko naman ang messages mula sa WPA at SDS. Halos lahat ng mga mensahe ay panghihikayat na kumain na. Hinihiling ko talaga na sana ay makita ko sa personal ang bawat isa sa kanila.






Nakita ko rin na may panibagong message na sinend si Matt.




'💜'

Kain ka na


Yep lunch time na

Ikaw din


Naks

Purple heart na ah


Eh para di makita pangalan mo

Madalas gamitin phone ko pang
search ng group.


Ahh okay

Binabasa ba nila message?


Hindi naman

Nagpop lang kasi yung message
mo na ingat ka


Ahhh sige

Kain ka ng mabuti

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon