33: Think Again

14 3 0
                                    

Chapter 33

Walking in the hallway feels like forever with my head down and full of thoughts. Hindi pa din mawaglit sa isip ko ang pangyayari kahapon.

"Hey!" I was startled with the sudden voice that shouted and I immediately removed his hand and twisted it a little.

"Aray! Shet na malagket ano bang problema mo Krysten Felicity?!" ani nito habang hinihimas ang braso niyang nananakit. "Ginulat kita kasi kanina pa ako nagpapapansin dito tapos hindi ka man lang lumilingon. Magkaibigan naman tayo pero bakit mo ako sinasaktan?" Umakto itong naiiyak.

Napakadrama talaga ng kaibigan kong ito. Parang bading kung umasta.

"Sorry na nga Vincent. Para ka naman kasing tanga at nangugulat ka pa diyan. At tigil-tigilan mo ako sa kadramahan mo nagiging si Vanessa ka nanaman." Umirap nalang ako at napagpasiyahang dumiretso nalang sa canteen dala ang bag ko imbis na tumungo pa ako sa room para iwan ito doon.

"Oh bakit nakasunod ka?"

"Bakit? Masama ba? Para namang hindi kaibigan sus."

I scoffed and turned my head to face him, getting irritated as the heat of being pissed was getting onto me. Parang sasabog ang ulo ko sa inis dahil sa binitawan nitong salita.

"Ayy wow. So friends na ulit tayo? Ganoon? Sorry ha? Hindi kasi ako informed." After saying that, I walked out in front of him. Binilisan ko ng kaunti para hindi na niya ako gambalain pa.

Lately, he was hanging out with his classmates, his new found friends. And I'm grtting irritated because he was snobbish as if we aren't friends. And now this?

Hay nako kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Mag-sama sila ng mga mokong ko pang kaibigan. Talagang tropa sila dahil iisa ang ugali.

I barely talk to them. They have jealous girlfriends and I really hate it how they are affecting my friendship with the boys.

Like, what the heck? I'm not going to steal your hard-headed boyfriends that only know how to annoy the shit out of me.

Growing up, being with my brother makes me comfortable with men around me. They are quite annoying but I can handle them perfectly. I hate two-faced bitches more than hard-headed guys.

"Lunod na lunod sa isipin ah? Sino ba kasi iniisip mo? Baka puro kabastusan yan kasama crush mo." Sumulpot na lamang bigla si Reincelle at tawang-tawa pa sa sinabi niya na para bang napakatalino niyang nilalang at naisip niya iyon para bwisitin ako.

"Tang'na ka alam mo ba 'yon?" inis na saad ko at napairap na lamang.

Lalo naman siyang natawa at ngayon ay hawak-hawak na ang tiyan kakatawa.

"Tang'na mo kabagin ka sanang gago ka." Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis at walang ibang nagawa kundi ang dumukmo na lamang sa mesa. Nawalan na rin naman ako ng gana kumain dahil sa sobrang irita ngayong araw.

"Inamo talaga Reincelle tumigil ka na nga!" bulyaw ko dito. Unti-unti namang humuhupa ang tawa nito at nagpunas pa ng naipong luha ang gago.

Ligayang-ligaya talaga siya sa tuwing nabwibwisit niya ako.

"Ayan maayos na ako. Kwento mo na." Umayos ito ng upo na akala mo naman talaga ay seryosong makikinig.

"Nanghihinayang kasi ako doon sa nangyari kahapon. Dapat magkikita na kami eh. Andoon din siya sa lugar na 'yon! Pero hindi pa kami nagkita." I pouted my lips as I felt sad again.

"Oh? Sayang nga. Eh ano naman yung reaction niya?"

He was listening intently and was so eager to feed his curiosity. "Nanghinayang din siya. Hindi niya nadala ang phone niya sa trip dahil nakalimutan niya na nakacharge iyon buti andoon ang tita niya para bunutin 'yon." Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon