Dedicated to @thats_kaielluhh
Chapter 18
"What if may chance namam pala talaga pero ayaw mo pagbigyan ang sarili mo at si Yuan?" Seryosong sambit ni Margaux. Alam ko naman na concern siya kay Yuan. Broken-hearted si Yuan bago pa man ako dumating kaya naman naiintindihan ko siya.
"Madaming what ifs Margaux pero habang kinakapa ko ang sarili ko ay lalo lang akong naliliwanagan na wala talaga." Nakatingin ako kay Margaux habang sinasambit ang bawat salitang ito. Ngumiti ako sa kaniya ng malungkot, umaasang maiintindihan niya rin ako.
"Bakit naman Krys? May nagugustuhan ka bang iba?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Margaux sa akin.
Nanlaki ang mata ko at dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Tila ba ako mismo ay napa-isip sa tanong niya. Ako mismo ay hindi malaman ang isasagot sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na marami akong crush pero may nagugustuhan na ba ako?
Nagkaroon naba ako ng nagugustuhan? Yung higit sa crush? Hindi ko alam kung meron ba dahil ako mismo ay hindi sigurado.
"Uhm...." Napa-taas ang kilay ni Margaux sa aking reaksyon. "Ano kasi eh... hindi ako sigurado." Napakamot nalang ako sa kilay ko. Hindi ko alam kung tama ba na binigkas ko pa ang mga salitang nabuo sa isip ko. Pakiramdam ko ay maling-mali ang mga salitang binitawan ko.
Rugo Krysten! Nanu ya ita? Murit kang talaga!
Paulit-ulit kong pinagalitan ang sarili sa aking isip. Mayroon ba talagang ganoong sagot? Hindi sigurado? Wtf Krys!
"Wooooiiiiii! Start naaaa!" Dumating ang mga kasamahan namin sa choir kaya naman naudlot ang seryoso naming usapan ni Margaux. Batid kong marami pa siyang gustong sabihin ngunit maguumpisa na ang pageensayo namin.
"Okay mag-vocalize na muna tayo. Medyo mahirap ang pagaaralan natin ngayon." Inumpisahan na namin ang vocalization at pati na rin ang breathing and diaphragm exercise.
"Soprano pwesto na sa harap." Umabante ang mga soprano. Kami naman ay bumalik sa aming mga pwesto. Ramdam ko ang nga titig sa akin ni Margaux na para bang gusto niyang ipagpatuloy ang naudlot naming usapan.
Matapos ituro ng coach namin ang tono ng soprano ay pinasunod naman niya ang mga alto. Tumayo ako kasunod si Margaux at ang iba pang mga alto. Pumwesto kami sa harapan at itinuro na nga sa amin ang tono namin.
"Okay sige last one. Then, paki-record nalang tapos aralin niyo ulit sa labas." Tumango naman ang ibang mga kasama ko at ipinag-patuloy ang itinuturo sa amin.
"Tara labas na tayo. Layo tayo ng konti sa soprano para maaral muna natin ulit yung part natin." Lumabas kami sa room at dumiretso lagpas sa pwesto ng mga soprano. Nasa hallway lamang kami at halos lahat ng estudyante ay nagsipag-uwian na.
Rinig na rinig namin ang aming mga boses na tila ba nasa loob kami ng isang kwarto na kulob na kulob. Napaka-sarap sa pandinig ng mga boses namin na tila ba mga anghel na pinagpala ng Diyos sa kagandahan ng boses na mayroon sila. Nangi-ngiti na lang ako habang pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila. Nakakatuwa na nagkaroon ako ng tiyansa na makasama sa grupo ng mga mang-aawit na ito.
"Pasok na daw." Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita namin si Yuan mula sa pintuan ng room namin na nakahawak sa door knob at sumesenyas na pumasok na kami.
Pagpasok namin sa loob ay ahad kaming nagpunta sa harapan at pumwesto base sa rango ng boses namin. Nagumpisa na kami at nakukuha ko naman ang itinuro kanina. Ngunit bigla akong nailang. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart [COMPLETED]
Teen FictionKrysten Lagdameo is a typical senior high school student. She loves wattpad so much and a kpop fan as well. She treats the online world as an escape from the reality that she is tired of. She met a lot of true friends inside the virtual world. Will...