29: Can't Resist

27 3 0
                                    

Chapter 29

"Salamat! Napagaan mo loob ko", madamdaming saad ni Stella. Niyakap niya ako ng mahigpit na ikinangiti ko.

"Salamat din. Hindi ko akalain na sa'yo ko mailalabas lahat ng saloobin ko", ipinalibot ko ang aking mga braso sa kaniya upang tugunin ang kaniyang yakap. Isang yakap na puno ng pagmamahal at simpatya para sa kaibigan.

"Dito nalang ako. Dito na kasi ang sakayan pauwi sa amin", itinuro niya ang pila ng mga nagkukumpulang pasaherong atat umuwi.

"Sige. Mauna na rin ako doon lang naman din sakayan papunta sa amin."

"Ingat ka ha? Sa susunod ulit!", saad pa niya bago sumakay sa jeep.

"Chat nalang pag-uwi!", sigaw ko.

Tumango naman siya at kumaway sa direksyon ko bago ako tumalikod sa kaniya. Habang naglalakad ay panay ang lingon ko sa paligid. Malapit na ring gumabi at dumidilim na ang paligid.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at inaliw na lamang ang sarili. Pakiramdam ko kasi ay may nakasunod sa akin kahit na wala naman.

I took both of the straps of my backpack and arranged it properly. Kinuha ko naman ang earphones ko at isinuot sa magkabilang tainga. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakikinig sa musikang tumutugtog sa cellphone ko.

(You can play this for more feels)

Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakit

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ngunit para bang biglang bumigat ang puso ko. Just having a glimpse of him inside my thoughts is making my heart heavy. Pero hindi naman siya nawawala sa isip ko eh, pansamantalang nababaling ang atensiyon ngunit hindi pa rin talaga mabilis makalimutan iyon.

Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?

Tuluyan ng nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bakit nga ba biglaan nalang ang pag-alis mo? Tila ba may nagawa akong hindi ko naman mawari kung ano.

How did we end up falling apart when it seems like we're both falling for each other on the past few days? Or that's what I thought it is?

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko

Pagsandal ko sa jeep ay lalo kong naramdaman ang pagod. I'm physically exhausted because I want to be busy for me to divert my attention to other things. But I'm mentally and emotionally tired as well. And that's more fucked up.

"Bayad po. Isa pong Calumpit, estudyante", pakisuyo ko sa pamasahe ko. Lumingon naman sa akin ang katabi kong ale at tinitigan ako.

"Ayos ka lang ba hija?", halata ang pag-aalala sa tono ng ale na siya namang sinuklian ko ng tipid na ngiti saka ako tumango.

Araw-araw ay paulit-ulit na tanong ang aking naririnig. Ngunit puro kasinungalingan lang rin naman ang bawat sagot na aking sinasambit bilang tugon.

I still don't know what's going on. Nasa akin ba ang mali? Ang akala ko kasi ay naiintindihan niya ako gaya ng pagkaka-intindi ko sa kaniya.

Hindi naman ako nagdemand ng oras mula sa kaniya eh. Kahit kailan ay hindi ko ginawa, kahit sa kakarampot na atensiyon ay nakukuntento na ako. Ngunit nasa akin pa rin ata talaga ang mali.

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon