Chapter 28
"Ayos ka lang?", dinig kong saad ng isang lalaki na malapit sa akin.
Nag-angat naman ako ng tingin sa pinanggagalingan ng boses na ito. Nakita ko naman na si Reincelle pala ang nagsalita kaya ibinalik ko ang ulo sa dating pwesto. Napadukmo nalang ako ngunit tumango pa rin.
Days has passed and I'm still feeling down. I hate this kind of feeling and I don't want to feel it ever again.
Tinapik niya ang balikat ko dahilan para iangat kong muli ang paningin. Tinitigan ko siya ng walang bahid ng emosiyon ang mukha. Kung dati'y tinatarayan ko pa ito o ipinakikita ang pagiging iritable, ngayon naman ay tila ba wala na akong pakialam.
Nagtatalo ang lungkot at antok sa akin ng bigla ko nanaman marinig ang boses niya.
"Alam mo bespren, di ka okay. Ano ba nangyari?", natigilan ako at gumuhit ang pagtataka sa mukha. Kumunot ang noo ko at tinitigan siya. Hindi ako makapaniwala na malumanay niyang naitanong sa akin iyon.
Pagak akong tumawa saka napailing. "Ikaw ba yan Reincelle? Umayos ka nga, hindi mo bagay."
"Oh talaga ba?", sagot nito—nagtataray. Nakataas ang kilay nito at magkapatong pa ang siko at kamay.
"Baliw", sabay pa kaming natawa. Kahit kailan talaga ay hindi matino ang pag-uusap namin. Napailing na lamang ako at saka ako mulling dumukmo.
"Hays", nagpakawala ng isang malalim na hininga si Reincelle dahilan para maibaling ko sa kaniya ang aking paningin.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, naguudyok na magsalita na. Mukha namang nakuha niya ang isinesenyas ko kaya umayos siya ng upo at pasimpleng umubo.
"Alam ko naman na puro ako kalokohan, pero mapapag-sabihan mo naman ako", gumuhit ang sinserong ngiti sa kaniyang mga labi dahilan para ako naman ang mapa buntong-hininga.
"May tiwala naman ako sa'yo eh. Hindi ko lang talaga kung paano ieexplain nararamdaman ko. Lalo naman kung dapat ko bang maramdaman 'to", lalong tumamlay ang aking boses at bumagsak ang mga balikat.
"Ang alin ba? Mukhang nasaktan ka bespren eh. Medyo namumula pa mata mo, siguradong antok ka mamaya", itinuro niya pa ang mga mata ko at nakita kong pinipigil niya lang matawa.
Pinanlisikan ko naman siya ng mata, isinuot ko na nga agad ang salamin ko bago pa man ako umalis sa bahay para hindi masyadong halata ang pamumugto ng aking mata. Ngunit bigo ako dahil halata pa rin pala. Paano ay hindi ko naiwasang maiyak kagabi bago ako makatulog.
"May nagugustuhan kasi ako, online lang siya. Madalas ko makausap ganoon, tapo—"
"Tapos di ka gusto?", putol niya sa sinasabi ko. Lalo naman akong naiirita kaya kinuha ko ang gamit ko at tumayo para umalis.
Bago pa man ako makaalis ay hinablot niya ang braso ko kaya bigla akong napaupo muli sa upuan ko.
"Sorry na, tuloy mo na", tumatawag saad niya. Sumama ang tingin ko sa kaniya dahilan para umayos ito."Eto na nga eh, titigil na." umubo pa ito saglit na animo'y may nakabara sa lalamunan niya.
"Ayun nga, madalas ko siya makausap. Sabi niya naman gusto niya rin ako pero parang hindi naman. Nagsorry siya sa akin dahil wala daw siyang time para sa akin. Bumalik na daw kami sa pagiging friends. Parang tanga lang?"
"Sus eh bakit naman gano'n? Kung gusto ka talaga eh magagawan ng paraan 'yan. Nako naman bespren ekis agad", saad niya pa habang umiiling.
"Ewan ko ba hayaan nalang din", hindi ko napigilan ang pagsimangot ng bigla ko nanaman itong maalala.
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart [COMPLETED]
Teen FictionKrysten Lagdameo is a typical senior high school student. She loves wattpad so much and a kpop fan as well. She treats the online world as an escape from the reality that she is tired of. She met a lot of true friends inside the virtual world. Will...