1: Krysten

744 42 42
                                    

Chapter 1

Krysten's POV

I am Krysten Felicity Lagdameo. I'm 16 years old. I am the type of student that is chill but never let my grades fall down. Ayos lang na mafall sa maling tao kesa naman grades ko mafall diba? Charot.

My parents will scold me if I will fail a subject. Which is really rare for me. Maybe I will fail my quizzes or exams? But definitely not a subject.

Ako yung type ng student na mahilig magcram. I'm doing my assignments at school. Idk I just can't focus at home doing school stuffs.

"Hoy Krys! Ano pre day dreaming ba? Malapit na matapos ang break time natin last question na bilis!" sigaw ng kaibigan kong ubod ng tahimik DAW pero napakagulo pag kami nalang dalawa magkasama.

Christine Raine Castillo. She is my classmate since grade 1. Sobrang ganda nya as in full package na ata. While here I am looking like a rotten potato.

"Saglit lang naman pre sumasakit na ulo ko sa mga sinasagutan natin." Di ko talaga alam bakit ba ako naging ABM student. Sobrang hirap pala.

"Uy tara na andyan na daw si Ma'am!" saad naman ni Ela ang napakakikay naming kaklase. Sobrang bait niyan at soft-hearted na tao. Maganda din at Ms. Friendship ang datingan sa school namin.

Hays. Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ba ako nasama sa kanila. Mukha akong hampas lupa eh HAHAHAHA.

Hindi naman kasi talaga ko kagandahan. Bata palang ako nabubully na ako dahil chubby ako. Di rin katangkaran pero di naman pandak. Mid length ang buhok na may season lang kung kelan maayos tingnan. Maayos naman ang kilay ko kahit na di maganda pilik mata ko. Sakto lang ang ilong hindi matangos at hindi pango. Dry lagi ang labi dahil hindi naman ako mahilig sa lipbalm or liptint na ginagamit nila. Higit sa lahat mahal na mahal ko ang mga mata ko.

Para sa akin kasi ito ang pinakamagandang part na meron ako. Kulay hazel brown ito at pag natatamaan ng sinag ng araw ay mas lalong tumitingkad. Namana ko ito sa lolo ko na may halong Kastila and even sa father side ko meron din.

Never ko naisip if magkakaroon ba ako ng lovelife kagaya ng mga kaibigan ko. Sa panahon kasi ngayon, pretty faces always win. Kahit gaano ka pa kaganda ang iyong puso, nauuna pading mapansin ang physical features. Kaya nga mapapa 'Sana all Maganda' ka nalang eh.

Hays sabi ni mama sakin normal naman daw sa age ko ang pagkakaroon ng crush or maligawan but I doubt I'll feel that.

Ano kaya ang feeling na magkaroon ng lovelife? Hmm.

**
"Don't forget to bring all the materials for your group activity tomorrow."

Yun palang ang naririnig ko pero parang gusto ko na umiyak. Okay sobrang tamad ko talaga.

"Goodbye Jericho!"

"GOODBYE MAAM!!!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko.

Grabeeee ito talaga pinakamasayang part eh UWIAN HAHAHAHA.

Gaya nga ng sabi ko typical student ako. Yes I'm an honor student eversince but I'm not the studious type.

"Pre nagugutom ako. Jollibee tayo." putol ni tin sa introduction ko. Hays daldal ko noh? HAHAHAHA

"San ba tayong jollibee? Sa bayan or sa rob?" well kahit saan naman pwede gutom na din kasi ako hays.

"Tara sa bayan nalang tayo! Lakad nalang."

Yas nagtitipid kami. Di kami kasing yaman ng mga kaklase namin eh. Mahirap ang buhay. Chos!

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon