40: Acceptance

66 2 0
                                    

Chapter 40

It's been days since the last time I let myself drown on different unnecessary emotions. But today is different. Or that's what I thought it is.

"Hoy tambay tayo after class?"

Hindi na ako nagulat nang makita si Ate Tina sa harapan ko.

Tumango ako bilang tugon. "Mga 3:10 tapos ng klase ko today," saad ko sa kaniya.

"2:30 ako. Antayin nalang kita sa mess hall sa baba," aniya na ikinatango ko.

It's our lunch break at sinamahan niya ako sa mesa. Hindi siya kumain dahil kumain na daw siya kanina. But she still bought hotdog buns together with her hot coffee. Palagi silang may baon na 3-in-1 coffee na magkakaklase kaya hot water nalang ang kailangan nila na libre namang makukuha sa water dispenser.

She motioned her phone up shaking it a little bit to get my attention. I looked at her with my brows furrowed, getting curious what is it.

"Tawagan natin si Tin?" tanong nito na mukhang hinahanap kung online ito.

"Ewan. Baka makaistorbo tayo sa kanila hayaan mo na," ani ko at pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

"Sus hayaan na natin tatawag pa din tayo," saad nito habang tumatawa.

Napiling nalang ako at ninamnam ang pagkain ng asadong manok na ipinabaon sa akin ng lola ko. Maging si Ate Tina ay patuloy pa din na kumakain at bigla nanamang natawa nang biglang magring ang cellphone niya senyales na maaaring masagot ni Tin ang tawag.

"Hoy para kang baliw diyan tama na kakatawa. Ayos ka lang ba?"

Umiling ito at tumatawa pa din. "Ayo–" Hindi na nito natuloy ang sinasabi ng bigla itong mabilaukan.

Dali-dali naman akong tumayo at inabot sa kaniya ang baon kong tubig. Hindi ko sinasadya pero bigla nalang akong natawa at pilit ko naman itong pinipigilan ng maramdaman ko ang matalim niyang paninitig sa akin.

"Sabi ko naman kasi sa'yo tumigil ka na eh. Kumakain ka tas tawa ka ng tawa," singhal ko dito.

Umismid naman ito bago bumaling sa akin. "Sorry na nga eh di ko magpigil."

Nagulat kaming dalawa dahil sinagot ni Tin ang tawag. Absent kasi ito dahil namasyal sila ng pamilya niya.

"Ganito pala feeling ng LDR," natatawang saad ni Tin.

Nagkatinginan naman kami ni Ate Tina na tila may naisip nanamang kabalbalan kaya sumimangot ang huli.

"Gusto pala ng karelasyon," pang-aasar ni Ate Tina.

"May nalalaman pang ganoon. LDR pa nga," gatong ko pa.

Umirap nalang si Tin na tinawanan naman namin. Tinawag nito ang kapatid niya at ito ang dumaldal sa amin hanggang sa tawagin na din sila ng kanilang magulang dahil lalabas na daw sila.

Tinapos na din namin ang pagkain namin. Malapit na din kasing matapos ang lunch break kaya nagmadali na kami.

"Tina, tara na. Nandiyan na si Ma'am." Lumapit ang kaklase niya sa amin kaya naman tumango siya dito at sinabing susunod na siya.

Inayos ko na din ang lunch box ko at tumayo na. I hugged her and bid her my goodbye before coming back to my friends' table.

"Malapit na ang valentine's day. Isang week nalang February na, wala pa akong naiisip na regalo," problemadong saad ni Ela.

"Madami ka pa namang time mag-isip ng pwede mo ipangregalo sa kaniya eh," sagot ko naman habang inaayos ang mga gamit ko. Inilabas ko na din ang gagamitin ko dahil maglelecture daw kami sa next subject.

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon