19: Know You

43 10 0
                                    

Chapter 19

Ayaw niya pala ng gano'n pero bakit siya mismo nanghaharot? Naalala ko tuloy kung paano ko siya nakilala.




Nakilala ko siya sa group dahil kay Inna. Nakilala ko si Inna sa team namin samantalang si Matt ay sa ibang team. Noon ay crush na crush ni Inna si Matt. Yung tipong lagi niya kinekwento na may halong kilig ang bawat interaksiyon na mayroon sila.




Naaalala ko pa noon kung paano ko rin nakita ang mga post ni Matt sa grupo. Kada post niya ay napakaraming mga babae ang nagcocomment. Bawat team ay mayroong nagkakagusto sa kaniya.





Higit sa lahat mayroon siyang tinuturing na kapatid doon at ang pangalan niya ay Marie. Kapampangan din ito kaya naman sa nga oras na nagkakapampangan siya ay alam ko ang pinaguusapan nila sa post.





Nakakabilib ang samahan nila ni Matt. Doon ko nasabi na parang gusto ko maging kaclose si Matt. Alam mo na concerned na concerned siya kay Marie sa way ng paguusap nila. Lagi din siyang nadiyan kapag broken hearted si Marie at lagi itong pinagsasabihan.






Mraming bagay ang hahangaan mo sa kaniya. Nabanggit ko na ito noon ngunit paulit-ulit ko yatang mababanggit kung lagi niya akong tinatrato ng ganito.





Crush na crush siya ni Inna noon kaya naman napaisip ako kung tama ba na maging crush ko din ang crush ng kaibigan ko? Mas bata sa akin si Inna, kung tama ang pagkakatanda ko ay dalawang taon ang tanda ko rito. Kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling malaman niya nga.






Naaalala ko noong sobrang active pa ng grupo ay madalas ako magvisit sa ibang team. Mabilis ko makaclose ang ibang tao, lalo na kapag lalaki. Hindi ko alam siguro eh sanay kasi talaga ako na kahit sa personal, lalaki ang madalas kong kasama. Ngunit may mga hindi nakakaintindi sa akin. Lumayo ang loob ng dalawa kong kaibigan sa team namin dahil lang nalalapit ako sa mga crush nila.






May nakapagsabi sa akin na crush ako nung crush nila pero ayaw ko naman paniwalaan ang mga gano'n. Hindi rin sapat na dahilan 'yon para masira ang pagkakaibigan na meron kami. Yun pa naman ang ayaw ko sa lahat, ang mga taong ipagpapalit ang mga kaibigan para sa lovelife.




Sus gusto mo din eh.

Maharot ka kasi HAHAHAHA

Yung iba doon for sure may gusto talaga sa' yo.



Babae kasi sila. Dapat hindi nila ginagawa yun.







Napakunot ang noo ko matapos kong mabasa ito. What's wrong with that? Specially when you know that you two are both close? I also see some of her friends na gano'n but I also know that some of them has a crush on him.




Ako pag komportable ako sa tao minsan eh binibiro ko ng ganun.

Pag hindi super close syempre hindi.



Oo hahahaha. Gano'n din ako.

You know Hailie?

Tama ba spelling?

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon