35: Approaching Storm

17 4 0
                                    

Chapter 35

"Naks naman. Ngiting-ngiti ah? Akala ko ba madami kayong assignment kahapon? Bakit nakangiti ka?" pansin ni Ate Tina.

"Luh? Bawal na maging masaya dahil nairaos mga gawain kahapon? Kaloka 'to!"

"Ay nako Krysten tigil-tigilan mo ako ineng. Kilala kita kaya wag ako. Echoserang 'to!"

Napailing na lang ako at hindi na nakipagtalo pa dahil alam kong hindi naman ako mananalo sa kakulitan nito.

Paano ba namang hindi ako sasaya eh medyo naintindihan ko na ang mga lessons namin. Thanks to Matt's tutorial sessions. He's really great when it comes to explaining things. You will see how compassionate he is whenever he's doing something.

He was so patient that even though I can't get what he says, he will come up to another example that will make it easier for me to process things and be able to understand it easily.

"Nakangiti nanaman sa kawalan," biglang saad ni Tin matapos nitong dumating. "Delikado ka na pre. Kung ako sa'yo, iwasan mo na ang stress sa acads baka ikabaliw mo ng tuluyan," sabi nito sa seryosong tono ngunit kalaunan ay napalitan ng tawanan naming tatlo.

Hindi talaga mawawala ang kalokohan pag kami ang magkakasama.

"Tara sa Jollibee. Tutal wala naman na kayo halos gawain dapat eh may celebration para diyan," aya ni Ate Tina sa amin.

Napaisip naman ako dahil mapapagastos ako. Kahit si Tin ay nagiisip na din at mukhang kinekwenta na ang gastos at ipon nito.

"Sige?" sagot ni Tin.

"Oh bakit di ka sigurado?" tanong ni Ate Tina.

"Baka di ako makaipon palapit na din Pasko."

"Ayos lang yan pre. Kaya natin 'to," tatawa-tawang saad ko saka ito hinatak palabas ng school.

"Malapit na pasko, ano mga balak niyo ng pamilya niyo?" tanong ni Ate Tina habang nginunguya pa ang burger steak na inorder nito.

Kinuha ko ang baso ng sprite at uminom dito bago ako sumagot, "Baka magpunta kami sa Baguio, 'yon ang sabi sa amin ni tita. Matagal na daw nilang planado."

"Kami din eh. Pero before Christmas naman kami," sagot naman ni Tin.

"Edi ayos. Exciting pala pasko niyo eh. Ako din naman may tour daw na magaganap sabi nila ate," nakangisi niyang saad.

Namangha naman kami ni Tin at sabay oang nagtanong, "Oh? Saan?"

"Edi sa bahay! House tour!" mayabang nitong saad at bahagyang natawa sa sarili.

Nalukot naman ang mukha ko dahil sa tinuran nito. Maging si Tin ay hindi naiointa ang mukha dahil sa narinig.

Kahit kailan talaga, kapag ito ang kausap, ewan ko. Kahit anong ayos ng tanong, hindi mo talaga aasahan na maayos ang makukuhang sagot.

"Baka gutom ka lang talaga? Hati na tayo dito sa fried chicken. Spicy din 'to, may sipa ng anghang 'to galing sa chili powder. Kuha ka na oh, kaysa ako sumipa sa' yo," tatawa-tawang saad ko na sinamahan naman ni Tin ng panggagatong.

Kalaunan ay tumawa na din si Ate Tina at hinampas ako sa braso. Sinamaan ko naman ito ng tingin ngunit nagoatuloy lang ito sa pagnguya na akala mo'y walang nangyari. Inubos ko na din ang kinakain ko para makauwi na kami bago pa bumuhos ang malakas na ulan.


Lumipas ang isang linggo na puno lang ng stress sa lahat ng activities at projects na sabay-sabay ang deadlines. Matt was then busy preparing for the competition he's up to. While I was here, stuck with all of these school works. We barely communicate with each other because we want to focus more on the things we should finish.

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon