Hey! You made it up to here. I just wanted to thank you for being with me. You saw how I grow, how I learned new things. And thank you, for the support.
—🔸—
Unpredictable. That's how I describe life. Even if you carefully plan everything, it will always surprise you.
Growing up, I don't have much friends in our neighborhood and even in school. I always get bullied by other kids at school that's why I chose to be alone. I have my parents, they made me feel that they will always be there for me. I always tell my mom stories about what's happening in my life. I don't have secrets because I don't like keeping something from them. Specially, mom.
But then, there's one thing I never thought I'll keep from her.
"Hoy! Congrats!" I smiled when I saw Reincelle.
"Congrats din!"
It was great. Ending the school year with honors will alwaya be great. It makes you feel like all your hard work are finally paid off.
"Nasaan na sila?" I settled down on my place, waiting for our teacher and our friends.
"Eh inutusan ni ma'am. Kuhanin daw sa desk yung ibang pinasa natin na requirements kasi ibabalik na sa atin."
"Uy congrats pre!" It was Kenneth, another friend I made inside the class.
I smiled widely and raised my hand to tap his shoulder. "Congrats din. Akalain mo 'yon, nakaabot ka sa honors!"
Tumawa ito at tumango-tango pa. "Kaya nga eh gulat din ako. Nakaraos ako ng grade 11 na walang jowa. Pero masaya naman ako."
Nagtawanan kami, maging ang mga kaklaseng nakarinig sa amin.
"Good morning. Hinihiling ko na maupo ang bawat isa sa kani-kanilang mga upuan. Bumalik na muna kayo at mamaya na magkwentuhan."
Dumating ang adviser namin at kasabay naman nito ang pagdating ni Tin at Ela. Lumakad ang dalawa ng mabagal at yumuko nang nasa harapan na sila dumaan. Nagpasalamat naman ang adviser namin sa kanilang dalawa na ikina-tango ng mga ito.
Biglang naging tahimik ang silid na animo'y may dumaang anghel. Halos lahat ay nagkatinginan ngunit bigla din namang nagbaba ng tingin nang maramdaman ang tensiyon.
Hindi ko din mawari ngunit para bang may masamang balita ang adviser namin. Siguro naman completer pa din kaming lahat?
"Bakit para kayong mga nalugi?"
"Po?" nagtatakhang tanong naman ng class president namin.
"Sabi ko bakit para kayong mga nalugi? Para kayong mga takot at namatayan. Ano ba nangyayari sainyo?" natatawang saad ng guro.
"Eh para po kasi kayong may hatid na masaang balita ma'am. Nakakatakot," saad pa ng kaklase ko.
"Seryoso na." Biglang tumawa si ma'am na ikinagaan ng loob namin.
"Congratulations grade 11 ABM. Sobrang natutuwa ako na matatapos na kayo. Good news, walang bumagsak," nakangiting saad nito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.
Ang mga lalaki naman ay may mga tumayo pa sa mga upuan nila at may nagikot pa ng bag sa ere at inihagis. Kinagalitan naman ito ni ma'am kaya kumalma sila.
"Sobrang proud ako sainyo mga anak. Nakita ko kung gaano kayo napagod, nastress, nahirapan. Pero eto na, recognition niyo nalang ang kulang. Alam ko sa dami din ng pinagdaanan niyo sa unang tapak niyo sa Senior High School, may natutunan kayo. At sana marami kayong natutunan sa akin. Hindi lang sa mga subjects na hawak ko, pati na din sana mga aral sa buhay na nawa ay dalhin niyo sa paglalakbay niyo."
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart [COMPLETED]
Teen FictionKrysten Lagdameo is a typical senior high school student. She loves wattpad so much and a kpop fan as well. She treats the online world as an escape from the reality that she is tired of. She met a lot of true friends inside the virtual world. Will...