30: Back At It

23 3 6
                                    

Chapter 30

Ang akala ko ay hindi naman magwo-work kaya binitawan ako. Pero ano 'to?

Pinaglalaruan nanaman ako. Gusto kong magalit. Gusto kong sabihin na hindi ako laruan na lalaruin mo kapag bored ka na sa buhay mo at pag sawa ka na ay itatapon mo na. Tapos ano? Pupulutin nanaman ako kapag kailangan o gusto pagkatapos ay mas malalang pagiwan ang ganap?

Nakakaloko.

Nakakainis.

Nakakagalit.

Pero kailan ba ako nagsalita para sa sarili ko? Hindi ko matandaan. Dahil sa takot na masaktan ko sila gamit ang mga salitang hindi ako sigurado. Ngunit sana ay naisip din nila iyon.

Naramdaman ko nalang ang likod ko sa malabot na kama. Kinuha ko ang unan saka ito niyakap. Pakiramdam ko ay niyayakap ako ng kama para maibsan ang lahat ng aking pangamba't pangungulila.

Hindi ko maiwasang mag-isip habang ako'y nakahiga. Iniisip kung ano ba ang nararamdaman. Kung sigurado na bang handa akong masaktan.

Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong kinakain ng antok at unti-unti na ngang pumikit ang mga mata ko. Lunod pa rin sa lahat ng isiping tumatakbo sa isip ko.

— —


"Hey. Hello? Okay ka pa ba?"

"Ha? Ahh oo. Ano ulit 'yon?", I didn't notice that Stella is waving her hand right at my face.

"Ang sabi namin eh pwede bang ikaw nalang ang mag-report para sa group natin?", tumango-tango rin ang iba naming kagrupo. Wala naman ng bago sa akin dahil palaging sa akin na-a-assign ang pagrereport kahit pa palagi akong kinakabahan sa tuwing ako'y nasa harapan.

Nandito kami sa mess hall ngayon at binigyan kami ng time para mag-meeting tungkol sa group activity.

"Sige. Wala namang problema 'yon sa' kin", saad ko naman at bumaling sa bawat myembro ng grupo. I just think I should atleast be familiar whose my groupmates for the report.

"Ayos na ba? Guys? May tanong pa ba or suggestions?", tanong ni Stella na siyang group leader namin para sa activity na 'to.

Sabay-sabay naman silang nag-si-iling bilang tugon.

"Pwede ba mag-cr muna?", tanong ng kagrupo naming lalaki.

"Sige na may natitira ka pang oras. Bumalik ka agad para hindi tayo mapagalitan", pinakiramdaman ko naman ang sarili saka tumayo at nagpaalam.

"Cr muna din ako. Babalik din ako agad", paalam ko sa group leader namin. Tango lamang ang itinugon nito sa akin.

Habang naglalakad papunta sa cr ay hindi ko maiwasang maisip ang usapan namin ni Matt kagabi. Alam kong sa biro niyang iyon, tila ibinabalik niya ang samahan namin noon.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ganito nanaman ako. Tila nababalisa ako sa mga pwedeng mangyari kapag tumagal pa ito. Natatakot akong sumugal nanaman sa alam kong malabo.

Dumiretso ako sa pinakadulong cubicle para umihi. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para magising o mabuhayan man lang ang diwa ko. Palagi nalang akong sabog kahit na ako dapat ang magrereport.

"Krys, dalian mo diyan. Mag-usap tayo", dinig ko mula sa labas. Base sa boses nito ay alam kong si Stella ito. Ramdam kong kanina niya pa ako gustong kausapin at nahihimigan ko ang paga-alala sa tono ng kaniyang pananalita.

Paglabas sa cubicle ay nakita ko siyang nakapamulsa at diretso ang tingin sa akin. Tila ba binabasa niya ang buong pagkatao ko sa pamamagitan ng pagtitig niya sa akin.

Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon