2: Crush

269 31 15
                                    

Chapter 2

It's saturday! Kaya sobrang saya ko dahil weekend na. Nakakapagod din pala kapag malayo ang school mo. Pangarap ko kasi dati yung magcocommute papunta sa school kaya gusto ko itry sa medyo malayong school pero hindi pala masaya yun.



Nagcheck ako ng phone ko kagabi saglit pero hindi na ako nakapagreply sa mga gc.


Sa sobrang pagod mo talaga mas uunahin mo ang tulog sa kahit ano pa man.


Simula nung naging senior high school ako sobrang halaga na talaga ng tulog sakin.


Adik ako sa wattpad kaya susulitin ko muna ang mga oras na pwede pa akong magbasa. Kakagising ko lang eh 9:30 am na pala HAHAHAHA


"Krys! Dalian mo bumangon ka na dyan pupunta ka pa sa bakery aba dalian mo!" That voice is my alarm clock. Boses yan ng lola ko na laging gumigising sa akin araw araw.



Oo nga pala nakalimutan kong sabihin. May bakery kami. Si papa ang panadero habang si mama ang nagaasikaso ng groceries. Kaming magkakapatid ay tumutulong sakanila.



Kailangan ko na pala maligo hay nako 10 am na pala kaya galit na galit na si nanay.



Pagpasok ko sa cr namin dala ko na yung phone ko syempre di ako makaligo ng maayos pag walang tugtog. Ako lang ba? Siguro kayo din naman.



(Now Playing: Grow Up- Stray Kids)

Neon jal hago isseo oh
Neon jal hago isseo yeah
Himnae jom chameumyeon dwae
Naega gyeote isseulge
Neon jal hago isseo oh
Neon jal hago isseo
You gotta take your time hal su itjana
Neoneun jal hal su isseo



It's kinda motivating because that lyrics are more on "you're doing good" so yep it's motivating me.



Hays fav ko talaga mga kanta ng Stray Kids super astig ng vocals nila eh. Di lang ako adik sa wattpad. Fan din ako ng Kpop.



Pagkatapos ko maligo nagbihis lang ako ng isang white shirt at jersey shorts. Simpleng pang araw araw lang naman dahil sa bakery lang punta ko.



**

"Oh! Good afternoon naman anak kong maganda. Aba tanghali na ang tagal mo pumunta." bungad sakin ni mama pagbaba ko ng tricycle papunta sa Sulipan. Sanay na ako dyan tanghali naman na kasi talaga ako nagigising eh guilty ako.



Iniwan na din naman ako nila mama after nun dahil need na nila magpahinga.



Pagbukas ko ng phone ko naglag nanaman ang messenger ko. Paano ba namang hindi eh puro gc ata meron ako? Sumali ako sa mga wattpad group at stray kids group na naenjoy ko naman.



'WPA GHOST'


Pagopen ko ng gc namin eh mayroon palang 99 unread messages at nakita kong may nagmention pa sakin. Bago pa ako makapag backread may narinig na akong sigaw.



"PABILI!!!!! PASALWAAAAN!!!" si JC pala yun ang may toyong kapit bahay ng bakery namin hay nako.



All caps para dama! Binulabog ako eh!



"Ano? Lakas ng sigaw mo jusq." iniiwasan ko talagang mapasigaw din kasi lagot ako kila mama.



"Sus tagal mong tumayo. Magbenta ka muna bago ka magchat." saad nanaman ni JC na halatang aasarin ako hanggang mamaya.



Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon