25: Reminder

31 7 7
                                    

Chapter 25

Nauubos ba ang pagmamahal?






That's the thought that keeps me awake last night.








Paulit-ulit kong iniisip kung tama pa ba na maging marupok. I really love my friends but as days passed by, I noticed that they can just remember me during the times they need me.









Pakiramdam ko ay nauubos na ako. Napapagod na ako sa paulit-ulit na kinahihinatnan ko. Hindi ko ba deserve na maging masaya? Yung hindi taken for granted?









Ang hirap lang kasi na sila yung priority mo pero option ka lang pala nila. Yung lalapitan ka lang pag may kailangan sila sa'yo pero kapag wala na ay sa iba na sasama.











Nakaka-takot lang na sa sobrang pagmamahal ko sa iba ay nauubos na pala ako. Na para akong isang kandila na nakasindi, nagbibigay ng liwanag sa iba kapalit ng pagkaupos ko.









I woke up with the noise coming from the outside. I checked my phone and saw that it was saturday and it's 9:58 am already. Bumangon na ako at naginat-inat. Inayos ko ang pinaghigaan pati na ang unan at tinupi ng maayos ang kumot bago lumabas ng kwarto.










There, I saw three girls laughing at each other. Hindi ko na muna sila pinansin at dumiretso na sa lababo para mag-toothbrush.









"Ate Krys!" sigaw ni Angela. Napabaling naman ako sa kanila at sabay-sabay silang tumawa. Napailing na lang ako at tinapos na ang pagtu-toothbrush.












"Oh bakit?" nakapameywang na saad ko. Nakakunot ang noo at salubong ang kilay dahil sa pagiisip kung ano ba ang meron.








"Magbabakasyon ka daw sa amin!" excited na sagot ni Andrea. Natawa naman ako at napailing. Naalala ko na holiday sa Bulacan sa monday kaya naman siguro isasama ako ng tita ko.










"Hoy! Lumabas na kayo diyan at kakain na." rinig kong sigaw ni mama.








"Ahh sige kumain na raw labas na." nginitian ko sila at hinatak palabas. Kinuha ko naman ang towel na nakasampay sa labas namin at dumiretso sa cr para maligo.








Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na ako. Isang maingay at masayang tanghalian ang sumalubong sa akin. Puro kantiyawan at tawanan ang nangingibabaw sa hapag-kainan.








"Oh yung mga tatahi-tahimik diyan! Kung may itinatagong kalandian sabihin niyo na!" sigaw ng tita ko. Tatawa-tawa ito na inaasar kaming lahat.







"Igagaya mo nanaman sa'yo mga pamangkin mo. Di yan maaga magkakaboyfriend masusungit!" tatawa-tawa ring saad ni mama. Napangiwi naman ako sa asaran nila, kahit kailan talaga hindi na mawawala ang ganito pag sila ang kasama.







"Si Gayle sigurado may boyfriend na eh si Lanz ba may girlfriend?" nagtaas-baba ang kilay ni tita habang nakabaling kay kuya.







Natawa naman ako dahil sa hindi maipintang mukha ni kuya. Alam na niya na siya ang gigisahin hanggang mamaya. Nagpatuloy pa rin sa pagkain ang bawat isa hanggang sa binasag muli ni tita ang katahimikang nakapalibot sa amin.








"Eh... Si Krys kaya? May tinatagong kalandian? Baka may jowa na yan ah?" bumaling siya sa akin, nangiinis. Napabaling naman ang lahat sa akin na dahilan kung bakit ako nabulunan.








Abandoned Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon